Chapter 36

133 7 2
                                    

The Sadness We Carry

“Tita Cha, do we have ice cream inside the fridge?”

Agad akong napalingon sa pamangkin kong nakahiga sa kama ko at busy pa rin sa hawak niyang IPad. Pinagbihis ko na talaga siya kasi hindi pwedeng pati sa kama ko itatapak niya ang sneakers niya. It’s a big no, as in no.

“Wow! We? May patago ka? “ pang-aasar ko sa kanya. Nakaupo ako sa harap ng desktop ko at nagkakalikot ng kung ano-ano lang naman, hindi naman ganoon ka halaga pero mas mahalaga pa rin ‘to kesa sa buhay ni Melo, joke.

“After I helped you recover your twitter account? Really Tita? ‘ sabi niya at bigla na lamang niya akong binato ng unan at agad ko rin na narinig ang mapang-asar na tawa niya.

“Isusumbong kita sa Mommy ko! “ sigaw ko sa kanya at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

‘Isusumbong din kita sa Mommy ko! You’re not feeding me Tita! “pag da-drama niya.

“Sino ba nagsabi sa’yo na may pa feeding program dito?” singhal ko sa kanya at ibinato ko pabalik sa kanya ang unan na una niyang ibinato niya sa akin.

Ibinato niya pabalik sa akin ang unan na ibinato ko sa kanya. Oh?! Someone wants to start a war! Tumayo ako sa pink swiveling chair ko at agad na sumalampak sa kama ko para tabunan ng unan si Melo. Tawa ako ng tawa habang siya naman ay sigaw ng sigaw ng parang nagsisisi nasiy sa sinimulan niya.
“I’m gonna tell  Kuya Keanu that you have a crush on him! “ sigaw pa niya kaya lalo ko siyang dinaganan na ikinahiyaw niya.

“You’re a bad Tita! “ dagdag niya kaya’t napahalakhak ako lalo.

“You’re a brat! “ sigaw ko rin.

Third Person’s POV

Isang normal na gabi sa tahanan ng mga Callejo habang kasalukuyan silang naghahapunan. Sa isang mahabang lamesa na pang waluhan ay nakaupo ang mag-anak at halos hindi naman nagkikibuan, ang tanging maririnig mo lamang ay ang kuliglig o ang pagkalanseng ng mga kubyertos sa mga plato.

“So… Kean? Kailan ka papasok sa business natin? Ano? May plano ka pa ba? “ matigas na saad ng Ama ng pamilya pagkatapos niyang tumikhim sa baso ng wine niya.

“I’ve been telling you Dad na wala akong plano o hilig sa construction, “ sagot ni Keanu sa kanyang Ama. Araw-araw ay ganito ang sitwasyon sa bahay nila, minsan na nga lang magkasabay sa pagkain nagkakaroon pa ng hindi pagkakaunawaan na madalas dahilan ng pag-iwas ni Keanu sa pag-uwi tuwing hapunan.

“And you think I care son? Kasi kung hindi ka ba naman kinonsente ng Lola mo sa lecheng culinary na ‘yan at nag pursue ka man lang ng engineering o architecture edi sana nakakatulong ka sa amin ng Mommy mo, “ matigas na sambit ni Carlos Callejo sa kanyang anak. “What a shame! “ dagdag nito sabay ismid.

Nanatiling nakayuko si Keanu ngunit mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang hawak na mga kubyertos. Umalingawngaw ang malalim na tawa ng kanyang ama.

“Dad, I’m into culinary arts. “ sagot ni Keanu.

“I know kaya nga sinasabi ko sa’yo na ikaw na mag manage ng business natin kasi alam ko na wala ka naman mapapala diyan sa bagay na gusto mo, “ tumawa ang kanyang ama.

“Ano po ba ang alam niyo sa bagay na gusto ko? “ matapang na tanong ni Keanu. Lalong nag-iba ang timpla ng mukha ng Ama niya.

“Marie! “ tawag nito sa kanilang kasambahay na dali-dali naman tumayo sa kanyang tabi.

“Po? Ser? “ sagot ng kasambahay.

“Dalhin mo si Amarah sa kwarto niya, “ utos ng nakakatandang Callejo sa kanilang kasambahay. Nalilito man ay nakangiting inakay ng kasambahay si Amarah patungo sa hagdanan. Bago tumapak sa unang baitang ng hagdanan si Amarah ay malungkot na nilingon niya ang kanyang Kuya.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now