Chapter 47

177 6 4
                                    

Liquors

Nagising ako sa mabangong amoy ng spaghetti. Umupo ako sa kama na hinihigaan ko at saka ko lang na realize na hindi ako nagising sa kwarto ko. I looked around to see something that will remind who's room I am now and I saw Amarah's toothless smiling photo on the coffee table beside me.

Ang reyalidad ay hindi katulad ng mga nasa pelikula kaya I'm happy to say I'm still wearing my clothes from last night. Great. Ang hindi ko lang mahanap ay ang bag at sapatos ko.

I jumped out of the bed and walked towards the door barefoot. Paglabas ko ay lalong naging matapang ang mabangong amoy ng spaghetti. Sinundan ko ang napakabangong amoy ng spaghetti na naamoy ko hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa kusina.

The kitchen looks so classical with its hard wood foundation. Ang mahabang lamesa ay gawa sa kahoy at ang kusina ay tulad ng mga kusina sa mga napapanuod natin na pelikula kung saan paborito ng mga lola natin na magluto ng champorado sa hapon. Masasabi ko na sa pagmamasid ko sa furniture at design ng bahay ay na maintain ang classic 70s to 80s vibe ng bahay.

Not a little far after a few steps I saw Keanu's back. He's wearing a plain white shirt and track pants. Inayos ko ang hihiblang bangs na nasa mukha ko at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa presensya niya. Alarming. I bit my lower lip. Siguro hahanapin ko na lang yung gamit ko muna.

"Where are you going? "

Kusa akong napaharap mulil ng marinig ang seryosong boses ni Keanu. I saw him holding a pan with his messy hair and morning face. Oh my love! I missed that face parang gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya like a tarsier who misses her favorite tree. I bit my lower lip again and tuck my hair at the back of my ear.

"Y-yung gamit ko? " nauutal kong tanong. Oh... M... G... Czarina Isabelle? Seriously? Why not appreciate your man in his sexy white shirt muna?

"Nasa akin, " seryosong sagot niya habang dahan-dahan na nilalagay sa plato yung spaghetti na nasa hawak niyang pan.

"C-can have my---"

"Hindi ako umalis para umuwi at makita kang hawak ng ibang lalaki Czarina, " he firmly said kaya't agad akong napasinghap.

"Oh my! Love, si Carlo yun! He's a friend! " depensa ko.

"Lalaki... "

"O-oo pero... "

"You were very drunk... "

"I had one bottle! " sagot ko pero biglang tumaas ang kilay niya. "Okay maybe two bottles? " sagot ko ulet pero ang pagtaas ng kilay niya ay nadagdagan ng sarkastikong ngisi. Napasinghap ako. "Okay baka naka isang bucket ako pero---"

"Baby, do I have to remind you again not to get drunk when you're with other guys out there? " I felt my knees weak. My frustrated but cute and manly Keanu Miguel brushed his hair with his fingers. "Damn! " He softly cursed and I saw him bit his lower lip.

I run towards him for a hug. Niyakap ko siya sa bewang niya ng sobrang higpit. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero nakakaramdam ako ng kakaibang emosyon. I missed him so bad na parang hindi reyalidad na nayayakap ko siya ngayon at nararamdaman ko ang hininga niya sa balikat ko.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now