Chapter 2

403 40 32
                                    


Sweets and Smiles

Lumipas ang birthday ni Melo at ang mga araw. Byernes ng gabi at sabado na naman bukas. Nag-iisip ako ng bagong pakulo para bukas kasama ang mga bata. Gusto ko sana mag ghost hunting kami kaso baka lagnatin sila.

"Mommy? Opo. Ano pa bang klaseng harina ang bibilhin ko? Nabili ko na ata lahat? " kausap ko ang mommy sa phone. Kasalukuyan akong nasa grocery kasi may pinapabili si Mommy, mag b-bake raw siya para sa mga bata bukas.

"Syempre joke lang, Mommy! Mayaman ako? Mayaman ako? Dapat kasi yung mga bata pinagbabayad na lang natin. " at tumawa ako kasabay ng pagtawa ni Mommy sa kabilang linya.

Nakatigil ako sa isang sulok sa grocery kasi kausap ko pa si Mommy sa phone. Ang hirap naman mag tulak ng cart ng isang kamay lang ang gamit eh.

"Sige na, babye Mommy! I love you!" at binaba ko ang tawag namin para matapos na ako sa pag g-grocery.

"Si Mommy talaga--ay!" Pag liko ko ng cart ko may nakabunggo akong cart din.

"Hala! Kuya, mag hinay-hinay ka naman. Normal speed limit lang kasi." sabi ko pero blankong nakatingin lang siya sa akin.

Umirap na lang ako at umatras para makausad na ako at malampasan si Kuyang lutang.

"Brat. " singhal ko.

Tiningnan ko ang mga pinamili ko at kumpleto naman lahat ng bilin ni mommy kaya dire-diretso ko ng tinulak ang cart kasi magbabayad na ako.

"Anong oras darating ang mga bata, Cha?" tanong ni Mommy sakin habang nanunuod kami ng TV.

Sabado na ng hapon at excited na ang Mommy sa pagdating ng mga bata. Kasi iingay na naman ang bahay namin. May kalakihan kasi ang bahay namin pero kaming dalawa lang ni Mommy at isang katulong, si Aling Beday na parang hindi na rin katulong kasi 10years na siyang nag t-trabaho sa amin. So bale, tatlo lang kami sa bahay namin.

Minsan, may iba pang tao kasi mahilig si Mommy mag invite ng mga taong gustong matuto at kumita dahil sa pastries.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at tiningnan ang orasan sa taas ng main door.

"5..4..3..2..1" bulong ko.

At tumunog agad ang doorbell namin. Nagkatinginan kami ni mama at nagtawanan.

"Beday! Pakibukas ng gate, nandito na ang mga bata. " dali dali naman lumabas si Aling Beday mula sa kusina.

Lumapit na rin ako sa main door para buksan ito at salubungin ang mga bata.

Nakapamewang ako at nakatayo sa tapat ng bukas namin na pinto at pinagmasdan ang isa-isang pag pasok ng mga batang nakasakay sa mga bike nila. Yung mga bike nila may nakatayo pang maliit na flag kung saan nakalagay ang gang name namin.

"Tita Chaaaa!!" Isa-isa nilang sigaw habang kumakaway.

Bago ka makapasok sa loob ng bahay aakyat ka muna sa mini hagdan namin. Hindi ko alam bakit may hagdan pero hagdan talaga na mga 5 steps lang naman. Chill.

"Penge lima!" Sabay taas ko ng kamay ko sa ere ng naka straight line na silang paakyat ng hagdan. Nag squat na rin ako para maabot nila ako.

"Na mish kita, Teta Sha. " sabi ng 6 years old na si Gabriella. Agad naman siyang nag apir.

"Na miss rin kita, Gab! Paamoy nga ng ulo!" Inilapit naman niya ang ulo niya para maamoy ko.

"Mabuti at naligo. Pasok at mag bless kay Granny. " nakangiti naman agad siyang tumango.

"Tita Cha! Magandang hapon po!" Nakangiting bati ni Tinay. 5 years old lang si Tinay. Siya yung pinakamagalang sa lahat ng bata kasi lahat ng sasabihin niya may "po" at bumabati talaga siya tuwing nakakasalubong mo siya. Dumagdag sa cuteness niya yung itim at kulot niyang buhok.

How To Be Happy?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin