Chapter 1

916 48 41
                                    


Whys and Hows

"Tita Cha!"

Hiyawan ng mga batang kiti-kiti pagkapasok ko ng clubhouse.

Birthday kasi ng pamangkin ko at request niya sa mommy niya na ate ko, eh ang magkaroon ng pool party. Invited nga ata lahat ng bata sa subdivision namin. Nasa iisang subdivision lang ang bahay namin at ang bahay na tinitirhan ng Ate ko kasama ang pamilya niya. Kaya kahit nag asawa na siya close pa rin kami because she's only one kalye away.

Well, kilala ako ng mga batang 'to because notorious akong bully nila. We play waterguns at our yard every saturdays and biking sa subdvision sa hapon. Ako palagi nagunguna sa triangle formation namin pag nag b-bike at hindi pwedeng wala kaming suot na googles at cape. Sabay-sabay rin kaming kakain ng lollipop pero secret lang kasi bawal sa kanila yun.  Ang cool 'di ba? 

I'm like a leader of a gang. Gang na gamit ay watergun at ang paboritong powder lang na alam ay gatas at chocolate.

"Tita Cha! Tita Cha!" At lalong rumagsa ang mga bata sa harap ko mayroon pa nga na nakasabit sa binti ko. Nagtatalon-talon pa sila. Napangisi ako kasi para akong superstar.

"Kalma. Kumalma kayo. Na s-stress ang superstar. " Isa-isa ko silang nginitian.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga matatandang nakatingin sa akin na dinudumog ng mga fans ko. Kinuha ko si Jen na nakasabit sa binti ko.

"Bakit nasa binti na naman kita?" Nakangiwi kong tugon sa kanya. Agad naman siyang nag pout na parang napagalitan.

"Because I hate seeing you leave. Please take me with you, Tita Cha." Sagot niya sakin with her baby voice because she's just 5 years old.

"Sana all ayaw akong umalis. Sana all gusto akong makasama. " at ginaya ko rin ang pout niya pero pakiramdam ko nagmukha akong pato kasi pinagtawanan ako ng yaya ni Jen na nakaabang na sa pagkuha kay Jen sa akin.

"You're a sweet little girl, Jen. " Hinalikan ko si Jen sa noo niya kaya napangiti siya agad. Dahan-dahan na rin siyang kinuha ng yaya niya sakin.

"Wazzup mga bata?" Tanong ko sa mga batang kaharap ko.

"Waaaaaatsaaaaap  shuuuuuuperstaaaaaaaaar?!" Sagot nila ng pasigaw  sa akin.

Nagtawanan ulet ang mga nanunuod sa amin.

"Magaling! Magaling fast learner kayo. " saka ginulo ko isa-isa ang mga buhok nila.

Ang buong clubhouse ay nabalot ng black at yellow na balloons. Gusto kasi ni Melo na Batman themed yung birthday niya. Kaya may kung ano-anong Batman stuffs ang request ng mommy niya sa organizers. Pero astig kasi mayroon cotton candy, icecream, fries at candy booths sa bawat sulok ng clubhouse na Batman themed din. Tapos yung mga bata naman nakasuot ng iba't-ibang superhero costumes. Sana masalba nila ang Pilipinas. I wore Wonderwoman for today and I look like a superstar talaga.

"Happy Birthday, Melo!" I greeted him when I finally reached him. Umupo agad ako sa tabi niya. Pero hindi man lang niya ako pinansin.

"Ate hangin ba ako?" Tanong ko agad sa ate ko na mukhang dismayado rin sa inaasal ng anak niya. She's wearing catwoman for today naman. His mom just rolled her eyes at nagkibit balikat bilang sagot tapos bumalik na sa pag-aasikaso ng bisita.

"Hey, brat. What's up?" hinarap ko si Melo and he stared at me, too. Naka crossed pa ang mga braso niya sa dibdib niya at halos mag dikit na ang makakapal na kilay niya.

"Tita Cha. Shania isn't here yet and the clown will start his tricks in a few minutes!" Aburido niyang sagot sakin. Nag kunyare naman akong gulat at disappointed. Napatakip pa ko ng bibig para mas convincing.

How To Be Happy?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن