Chapter 6

194 23 23
                                    

Scooter and Watergun


"Kami ang scooter girls, at walang makakapigil sa amin. "

Napahawak ako sa dibdib ko at kasabay nun ay naramdaman ko ang paghawak ng isang tao sa balikat ko. Nilingon ko ang kamay sa balikat ko at pag-angat ko ng mga tingin ay nakita ko si Keanu.

"Anong nangyayari Czarina?" tanong sa akin ni Mommy na nasa kabilang gilid ko. Nagkumpulan na rin ang mga bata sa paligid namin.

Huminga ako ng malalim at nag squat sa harap ng mga batang tinawag ang grupo nila bilang scooter girls.

"Mga bata..." Malumanay kong sambit. Ayokong marinig nila na galit o inis ako. I just think that's not the best way to correct a child. Nagkatinginan silang lima sa akin.

"Alam niyo ang cute niyo pero sabi ni Tinay, inaasar niyo raw siya. Totoo ba yun? " I tried to sound calm as possible.

Nagkatinginan ulet sila parang nagtutulakan pa kung sino ang sasagot sa akin.

Pumako ang tingin ko sa batang chubby na may mahabang buhok at bitin na bangs. Nakasuot rin siya ng pink na bitin o baka croptop na damit pantaas kasi nakalabas pa ang pusod niya at leggings na kulay itim.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ko ng matagal bago siya huminga ng malalim.

"Jem. " at saka inirapan niya ako. Ay! Napaka maldita ng batang 'to ah. Akala niya ba siya lang marunong mang irap?

"Hi, Jem! Inaaway niyo ba si Tinay?" I know. Patience is a virtue.

"Si Glenn po yun!" Pagtuturo niya agad sa katabi niyang bata. Nilihis ko ang tingin ko sa batang tinuro niya. Batang lalaki siya pero I know na 50/50 rin dahil sa suot niyang flower crown kahit si Superman ang naka print sa T-shirt niya.

"Anong ako?! Si Arlhie kaya yun!" at tinuro rin niya ang batang katabi niya.

"HALA! BAKIT AKO?! SI---"

Bago pag magturo ulet ng katabing bata ang sumunod na bata ay nagsalita na lamang ako kasi baka umabot 'to sa pagtuturuan ng ibang bata sa kabilang subdivision eh.

"Alam niyo ba na hindi maganda ang mang-asar o mang-away ng kapwa niyo bata? O kahit sinong tao. " panimula ko sa kanya.

"Hindi naman namin siya inaway eh. " sabat ng batang si Jem.

"Oo nga, charot lang naman yun eh. " dagdag ng batang si Glenn.

"Biro man o hindi, hindi pa rin maganda ang nakakasakit ka ng damdamin ng kahit sino. Kaya sa susunod, wag niyo na lang uuletin ah? Ikaw pag inasar kang labas pusod mo, hindi ka ba masasaktan?" sabay turo ko kay Jem. Imbis na sumagot yumuko lamang siya.

"Hayaan mo na, Cha." sabi ni Mommy sa likod ko.

"Basta mga bata ha? Wag na uuletin. Makipagkaibigan kayo. Wag kayong mag-aaway kasi masama yun. " at saka ako ngumiti sa kanilang lima.

"Okay ka na, Tinay?" tanong ko kay Tinay pagkapasok ulet namin ng bahay at naglalakad na papunta sa bakuran namin kung nasaan ang Inflatable pool.

"Okay na po, Tita Cha! " sagot niya sa akin namay malapad na ngiti na sa mga labi niya.

Nag bihis na ang mga bata ng kanya-kanyang damit panligo kahit nasa loob lang kami ng bakuran at maliligo lang sa inflatable pool, kelangan pa rin talaga na umawra. Umalingawngaw na rin sa buong bahay ang kantang Baby Shark ng Pinkphong.

Simula kasi ng nakasanayan na namin ni Mommy ang ganitong gawain kada sabado kasama ang mga bata, kung ano-anong pakulo rin naiisip namin. My Mommy love kids so much. Si Ate Mara, ang mayroon pa lang ay si Melo tapos kasi kahit si Kuya workaholic kaya wala pang balak ata magpakasal at magkaanak.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now