Chapter 43

149 11 3
                                    

To be heard and to listen

Nagising ako na may mabibigat na mata. Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang buong magdamag. An image of my mother crying while hugging my father's picture is still stuck in my mind.

Naisip ko, after all these years after my Dad past away, napasaya ba talaga namin ang Mommy? If she still feel this incomplete, naging enough reason ba kami for her to live again? Are we really able to fill the gap? We all suffered the loss. Ang makita ang taong pinagkukunan mo ng lakas na nanghihina ay sadyang nakakalungkot. Kasi paano pala pag ang taong nagbibigay sa atin ng lakas ang tunay na may kailangan ng lakas?

At ang saklap lang sa pakiramdam na hindi pala naging sapat ang presensya mo. Hindi pala tama ang inakala mo. When we loss someone important to us, the emptiness can't be easily filled with something that's only similar to what's gone. When we loss someone we love, we also lost a part of us that won't probably be found anymore.

I decided to fix myself for work a little early than my usual routine. Gusto ng katawan ko ang matulog pero nagsusumigaw ang utak ko na mag-isip ng mga bagay-bagay.
Nang makababa ako ng hagdanan ay agad kong iginala ang paningin ko sa dining.

Usually maaga talaga si Mommy gumigising para tulungan si Aling Beday na maghanda ng agahan namin and also to see me before ako umalis papuntang trabaho dahil panigurado sa gabi na naman kami magkikita ulet.

Kaso ang tanging nakita ko lamang ay si Aling Beday na nagluluto ng sinangag sa kusina. Hindi sinasadyang lumingon siya sa direksyon ko at agad na ngumiti.

"Gusto raw niya mag tsaa sa labas dahil maganda pa ang simoy ng pang-umagang hangin, " sagot niya sa iniisip ko kaya agad naman akong tumango saka ngumiti sa kanya.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at agad kong napansin ang pag-aagaw ng kulay asul, lilac at puti sa kalangitan. Maaga pa nga talaga at hindi pa gaanong sumisikat ang araw.

"Mommy... " sambit ko ng makalapit na sa Mommy ko na nakaupo sa kanyang paboritong upuan sa bakuran namin.

"Tingnan mo itong mga Gumamela dahil ang gaganda ng pamumukadkad. " nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa nag-iisang puno ng gumamela sa bakuran namin. "Your Dad knows how much I love Gumamelas kaya nagpalagay talaga siya ng puno dito sa bakuran natin. " she added.
Ngumiti ako at umupo sa katabing upuan niya.

"He loves you so much. " sabi ko.
Nilingon ako ni Mommy gamit ang nangungusap niyang mga mata na parang isang teenager na kinikilig.

"That's why I chose him over your Lola's other choices, " she chuckled.

"Lola's other choices? Bakit hindi ko alam ang kwentong 'to Mom? " sambit ko sa nagkukunyareng nagtatatampong boses.

"Before your Lola thinks your Dad was too uptight and he will never be a good husband to me since the field he was in was very time consuming. She believes that it's going to be hard for me living with a husband who is always busy and in that same reason he can never make me happy everyday... " she said with a glimpse of smile on her lips.

"But... Dad made you happy, right? " tanong ko kahit sigurado na ako sa sagot.

"He did. Each day. He made me happy every single day we are together or even whenever he is busy with work. " my Mother caressed my cheek. "Remember that when you're in a relationship Czarina, hindi tanging pisikal na presensya ang nagpapatibay at nagpapasaya sa isang relasyon. It's the love you are giving each other. Pag mahal mo ang isang tao, hindi man kayo magkita araw-araw, just the thought of that person being in love with you is more than enough to keep you happy each day. "

How To Be Happy?Where stories live. Discover now