Chapter 19

172 14 7
                                    

Bike ride and Surprise

(Play the song above)

Suot ang kulay pink kong Hello Kitty pajamas, nakahiga na ako sa kama at kakatapos ko lamang maligo. Naka play rin sa speakers ko ang kantang Collide ng Howie Day. Nakaramdam ako ng pagka relax mula sa pagkapagod sa buong araw na paghahanda namin para sa pagpunta ng waterpark bukas.

Ayos na ang lahat, naipagpaalam na rin ang mga bata at lahat sila pinayagan basta ay may kasama silang yaya or kapatid. Hindi naman problema 'yon kasi mas masaya nga pag marami. Ako, si Mommy, Ate, Aling Beday at kahit si Keanu ay naging busy sa paghahanda buong araw, mula sa pagkain at mga gagamitin. Ang saya nga nang mga bata ng ipinagpaalam sila namin kaya mas lalo akong na excite.

Nag so-scroll ako sa news feed ko sa facebook ng biglang lumitaw ang messenger icon ni Keanu sa screen ko.

Keanu:
Sleeping?

You:
Zzzzz

Keanu:
-_-

Baba ka.

I'm here outside.

With my bike.


Dali-dali akong bumangon sa kama ko at 'di na nagawang magreply ng kahit ano kay Keanu. Ang gaan ng mga yapak ko sa sahig, kahit ang pagbaba ko sa hagdan ay ang bilis. Nasa huling step na ako ng hagdan ng natigilan ako.

"Bakit ba 'ko nagmamadali?" tanong ko sa sarili ko. Kasi makikita ko lang naman si Keanu? Hindi ko nga alam kung anong kailangan niya sa akin o bakit kailangan ko lumabas pero ito ako at mukhang atat na atat na makita siya.

Huminga ako ng malalim at mahinahon na naglakad ulet.

"Saan ka pupunta, Cha?" natigil ako sa paglalakad ng narinig ko ang boses ni Mommy at nakita ko siyang nagkakape habang nakaupo sa sofa.

"Labas. " simpleng sagot ko kay Mommy at kinagat ang labi ko.

"Bakit? Gabi na ah?" nagtatakang tanong ni Mommy.

"Keanu. " nasilayan ko ang malisyosang ngiti sa mukha ng Mommy ko.

"Wag masiyado magpagabi. " bilin niya at sumimsim ulet sa tasa ng kape niya habang ang mga mata niya at nanatiling nakatingin sa akin.

Hinawakan ko ang handle ng gate namin at huminga ng malalim. Pinihit ko ang handle, binuksan ang gate at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Keanu. Hindi naman talaga seryoso, 'yong usual niya lang na expression. Hindi masaya at hindi rin malungkot. Nasanay na nga ata ako sa ganoong mukha niya.

"Bakit hinihingal ka? " nakakunot noo na tanong niya sa akin.

"Hindi kaya. " sinara ko ang gate at lumapit ako sa kanya. "Bakit mo 'ko pinalabas?"  dagdag na tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako.

"I knew it. " tanging sabi niya at tsaka ko lang napansin ang nakapatong na jacket sa balikat niya. Nakasuot si Keanu ng black na hoodie at blue na jersey shorts. Kinuha niya ang pulang jacket sa balikat niya, lumapit siya at ipinasuot ito sa akin. Pinasok ko ang mga braso ko sa magkabilang sleeve. Pagkatapos ay isinara ni Keanu ang zipper pataas.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now