Chapter 16

162 20 7
                                    

Hunts and Hugs

Nagpaalam na rin si Fiona ng sinundo siya ng Ate niya. Ramdam ko pa rin ang sama ng pakiramdam ko kaya siguro matutulog na lang ako hanggang bukas ng umaga o ewan. Papasok na ako ng gate ng may narinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko.

"Tita Cha!!" nagtatakbo agad si Amarah papalapit sa akin pagkababa niya sa tricycle kasama ang yaya niya. Sinalubong ko si Amarah ng yakap

Sa buong maghapon ngayon ko lang napansin na hindi pala namin siya kasama kanina. Nawala sa isip ko ang bilangin sila. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko siga sa magkabilang braso. Naka ponytail ang buhok niya at nakasuot siya ng Hello Kitty shirt at white short na pambahay.

"Magandang hapon po. " bati ng yaya ni Amarah na nasa mid 20s ata.

"Magandang hapon din. " ngumiti ako sa kanya.

"Pumunta po  kami sa kanila ni Chloe pero wala raw siya don kahit sila ni Pau at Elena. Gusto kasi ni Amarah na magpalipas ng hapon sa mga kaibigan niya. " explain niya sa akin.

"Nandito sila kanina. " sagot ko sa kanya.

"Sabi nga po ng Mama ni Pau. "

Sinulyapan ko si Amarah at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Are you okay?" tanong sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya. Her eyes are as beautiful as Keanu's. It's very expressive.

"I'm sad. " she confessed.

"Why?" tanong ko ulet.

"Wala po kasi sila ser at mam sa bahay. " singit ng yaya ni Amarah kaya napatingin ako sa kanya. "Nasa Maynila po sila. May seminar na pinuntahan. " dagdag niya.

"It's been two days since Kuya Keanu left the house. " nakayuko at nagsusumamo ang boses ni Amarah. Si Keanu? Umalis ng bahay nila? He will never do that without valid reason. Hindi man siya ganon ka vocal sa mga iniisip at nararamdaman niya, alam ko na hindi niya iiwan ang kapatid niya basta-basta. He promised Amarah.

"Can you please tell him to come home Tita Cha?" Amarah pleaded.

Pinapasok ko si Amarah at ang Yaya niya sa bahay namin. Nanunuod kami ng cartoons at pinahanda ko rin siya ng snacks kay Aling Beday. Pagkalubog ng araw napagdesisyunan din nila na umuwi na. 

Alas nuebe ng gabi at nakahiga na ako sa kama ko. Masakit pa rin ang ulo ko kaya uminom na rin ako gamot para bukas pag gising ko bumuti na pakiramdam ko.
Iniisip ko kung nasaan si Keanu ngayon at ang possibleng rason ng pag-alis niya sa bahay nila. Ini-stalk ko ang timeline niya pero walang sign kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya. Kahit sa messenger walang balita. Hindi naman siya nagchat sa akin o ano. At hindi rin naman siya online.

You:
Nasaan ka?

Bakit ka umalis ng bahay niyo?

May nangyari ba?

Okay ka lang ba?

Amarah is worried

Nabuang ka na?

If something isnt right, you can always tell me what's wrong.

Uwi ka na

For Amarah

Halong, always.

Tinadtad ko na ata ang messenger niya kahit hindi ko alam kung mababasa niya o hindi. Noong una palang I know something's wrong with the sad boy. I just cant seem to figure out what it is. What's the reason behind all of your sadness, Happy?

How To Be Happy?Where stories live. Discover now