Chapter 10

219 22 14
                                    

Tsinelas at Sorbetes

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ko sa pamangkin kong binagsakan ata ng langit at lupa dahil sa mukha niyang lugmok na lugmok.

Alas nuebe na ako nagising at sabado ngayon. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko agad 'tong pamangkin kong halimaw na living roof. Trolls naman ang pinapanuod niya pero nagkatawang tao ata si Branch sa kanya. Yung grumpy troll na palaging ayaw sa maingay kasi—wait wala naman ako balak mag kwento ng plot ng trolls. Hello.

"Melo.. " tawag ko sa kanya pero di man lang niya ako sinulyapan kahit 3 seconds lang.

Iniwan ko na lang munsa siya para kumuha ng tubig sa kitchen. Nadatnan ko naman si Ate Mara na nagluluto.

"Nandito ka rin pala, Ate. Wala kang work?" Tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso ko.

"Day-off. " simpleng sagot niya sa akin kasi nga nagluluto siya. Suot niya pa yung Trolls na apron na binili ko. Nope, hindi 'ko sila favorite. But I believe there must be no trolls left behind!

"Nyare sa anak mo? Ginagawa nun?" natatawang tanong ko. Alam naman ni Ate na sa lahat ng bata sa buong subdivision, anak niya talaga ang pinakakaaway ko. Narinig kong bumuntong hininga si Ate.

"Hindi ko nga alam diyan eh. Kanina pa yan nakasimangot. " sagot niya sa akin. May hawak pa siyang sandok at nakahawak ang isang kamay niya sa bewang niya. My poppy apron looks cute.

"Like hindi siya nakasimangot everyday 'di ba Ate?" Sabay kibit balikat ko.

"Czarina..." Sinamaan ako ng tingin ng Ate ko pinagtaasan ng kilay kaya mas natawa ako. Nagtaas ako ng dalawang kamay ko kunyare nag surrender na.

"Oo na po. Kakausapin ko na po. " nilapag ko na sa mesa ang baso ng tubig ko para tumungo ulet sa living room para harapin ang bagyo.

"What's up, Brat?" Tanong ko ng pagkaupo ko sa tabi niya. Niyakap ko ang mga binti ko at pinatong ang chin ko sa mga tuhod ko. I heard him sigh. Wow. Sa liit niyang 'to parang ang laki-laki ng problema niya.

"I think Shania has a crush on other kid. " nagugulat na lang talaga ako sa mga bata nowadays. They keep on shooking me. What? Shooking me?

"What?! Why? How did you know?" Nagkunyare pa akong gulat. Sana effective or this kid will seriously throw a fit. Tinakpan ko ng mga palad ko ang bibig ko.

"She's ignoring me at school but she's always with that kid during recess break. And I heard they watch Adventure time together yesterday!" Pag vent niya tapos nag cross arms pa siya.

"Did you ask her na about it?" dagdag kong tanong.

"No. " he stared at me na parang naliwanagan siya sa sinabi ko.

"You should ask her. " nakangusong sabi ko.

"You think?" Nakakunot noo niyang tanong. Walang pagda-dalawang isip din akong tumango-tango habang nakanguso.

Nagtanghalian kaming pamilya ng sabay-sabay. Mamayang alas dos pa dadarating ang mga bata dahil nga wala naman kami masyadong gagawin ngayong umaga. Makakapagpahinga na rin kasi buong araw rin kami nag kuletan ng nakaraang sabado.

Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto kasi kakatapos ko lang maligo. Iniisip ko kung ano susuotin kong pambahay. Madalas kasi nakasuot lang ako ng shorts at regular shirt. Kaso siguro dapat maging conscious na ako sa susuotin ko. Panigurado hindi white kasi baka litaw na naman bra ko.

Kinuha ko ang black kong V-neck shirt at leggings na kulay grey. Hindi naman nakakaasiwa tingnan ang color combination... Siguro. Tinali ko ang dulo ng T-shirt ko para cute lang ang datingan. Umupo na ako sa vanity mirror ko at nag blow dry ng buhok. Pagkatapos kong e blow dry ang buhok ko, nag ponytail na rin ako. Humiwalay pa yung manipis kong bangs ayoko naman e ipit kaya hinayaan ko na lang. Medyo mahaba na rin ang buhok ko.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now