Chapter 46

153 5 0
                                    

Tired

“Uuwi ka? “ I asked Keanu ng maihatid niya ako sa bahay namin. We’re both inside his car and it’s already 4 in the morning. We are both exhausted.

“Yes. “ he answered without looking at me.

“It’s okay Happy. Everything’s gonna be okay, “ I assured him.

Pumasok ako sa bahay namin. Patay na lahat ng ilaw sa loob ng bahay at hindi na ako nag-abala pa na buksan ang mga ito. Dire-diretso lang ang lakad ko patungong hagdanan. Mabibigat na ang mga mata ko at pagod na rin. Hinahanap na ng katawan ko ang lambot ng kama ko.

Napatigil ako ng makarinig ako ng mga kaluskos at yapak ng paa. “Cha, “ narinig kong may tumawag sa akin. Agad akong kinabahan dahil wala akong halos makita. “Cha! Andito ako! “ mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko. Tatakbuhin ko na sana ang bawat baitang ng hagdanan ngunit biglang bumukas ang ilaw.

“Cha! Itong batang ito! “ nagulat ako ng makita ko si Aling Beday na nakatayo malapit sa switch ng ilaw at may bitbit na takure na umuusok pa. Tiningnan ko ang lamesa at nakita kong nagsasalin pala siya ng mainit sa tubig sa thermos namin. “Ano ba ang pinaggagawa mong bat aka at andito ka pa rin sa baba? Nag sleepwalk ka ba? “ tanong niya sa akin. Agad kong nasapo ang noo ko.

“Manang naman eh, “ reklamo ko.

“Aba’y bakit? “

“Nanggugulat po  kayo, “ sabi ko sabay buntong hininga.

“Hindi naman kita ginulat ah? Nagsasalin lang naman ako ng mainit na tubig dito sa thermos. Ikaw nga ‘tong ginulat ako, “ depensa niya. At saka ko lang naalala na nakalimutan kong magpaalam sa kanila na sasama ako kay Keanu at baka alas kwatro na ako makauwi at baka rin magulat sila pag nakita nila akong naglalakad sa dilim habang nagsasalin sila ng mainit na tubig sa thermos.

“Wala na lang po. Akyat na po ako, “ sabi ko na lang sabay kamot sa ulo ko. Hindi naman na sumagot si Aling Beday kaya’t nag dire-diretso na lamang ako sa pag-akyat at pumasok sa kwarto ko.

Inaasahan ko na baka sakaling magkaroon ng pagbabago ang relasyon ni Keanu sa Daddy niya. Sana magkaayos na silang dalawa. If this is the only reason Keanu can be fully happy, I will wholeheartedly support him with this.

“You look like a  Zombie, “ nilingon ko ang pamangkin kong si Melo na nakaupo sa tabi ko. Kakatapos lang namin mag simba at napagdesisyunan na dito na lang sa bahay mag lunch. Nag order na lang sila Ate ng pagkain sa paboritong niyang restaurant. She’s craving for some seafood dishes. Kaya siya rin naman pumili ng mga pagkain.

“You know Zombie eat brains, “ I sarcastically told him. “But I won’t eat you, “ dagdag na asar ko pa.

“You can’t eat my brain Tita, “ mayabang na sambit niya sa akin at niyakap ang hawak niyang IPad.

“Of course because you don’t have one, “ sabi ko at inismiran siya.

“Mom! “ he exclaimed. Agad akong nilingon ni Ate at pinanlisikan ng mga mata. May kausap siya sa telepono kaya hindi niya nasabi ang usual line niya sa akin kapag inaaway ko ang anak niya.

“You should sleep Tita, “ Melo smiled at me. “You’re getting uglier and uglier. “ he grinned.

“Mommy! “ tawag ko sa Mommy kong kasama lang naman namin sa iisang lamesa at nakikinig sa amin. I heard my Mommy laugh.

How To Be Happy?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ