Chapter 12

203 24 13
                                    

Stars and Pyjamas

(Play the chapter theme song above.)

"Bagalan mo lang, Happy. "

"I said stop calling me that. "

"Alam mo ba na mahirap ako pigilan?"

"Wag ka kasing malikot diyan baka malaglag ka. "

"Masakit na nga pwet ko eh. "

Halos nagsisigawan na kaming dalawa sa ilalim ng sinag ng buwan at tahimik na paligid. Umangkas ako sa bike niya. Nakaupo ako kasalukuyan sa harap niya at nakakaramdam na rin ako ng sakit sa buttcheeks ko dahil sa ilang minutong pagkakaupo sa malamig na bakal na pakiramdam ko mainit na ngayon. Nilahad ko ang mga braso ko sa ere at dinama ang simoy ng hangin na hinahalikan ang pisngi ko.

"Ang likot. " mahinang bulong niya.

"Please. " pagsusumamo ko sa kanya.

Sa ilang taon kong nakatira sa subdivision na 'to ngayon ko lang ata napansin na napaka therapeutic pala ng hangin dito lalo na sa gabi. Mabagal lang ang pag usad ng bisekleta ni Keanu gawa na rin siguro na mabigat kaming dalawa.

"Buti na lang hindi nasira tsinelas ko. " nakanguso kong sabi sa kanya. Nakadating na kami sa pinakamalapit ma convenient store sa subdivision. Hawak-hawak ko ang tsinelas kong napigtas kasi kinain ng gulong ng bisekleta.

"Ang likot mo kasi eh. Akin na. " inagaw niya sa akin ang tsinelas ko kaya napahawak ako sa braso niya bilang alalay. Nakatayo kasi ako gamit ang isang paa ko lang na nakasuot ng tsinelas.

"Maaayos pa ba?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan akong nakakaawa kong tsinelas na napigtas.

"Kung 'di ka malikot kasi 'di 'to mapipigtas. " suway niya sa akin.

"Hindi naman ako malikot ah!" awat ko sa kanya. Tinapon naman niya sa paanan ko ang tsinelas kong ayos na.

"Salamat ha!" medyo sarcastic kong sabi sa kanya. Kinandado naman niya ang bike niya sa malapit na post sa labas ng convenient store.

Pumasok kami sa convenient store. Nag shrug ako sa biglang pag dampi ng aircon sa tenga ko. Malamig pala. Para akong aso na sumusunod sa likod ni Keanu pero ako pinakacute siguro kung sakali. Lumapit siya kung nasaan ang mga ice cream.

"Ano gusto mo?" tanong ni Keanu ng makalapit na ako sa kanya.

"Yung ano..." nakita ko kung paano mag hagikgikan ang mga babae sa malapit na table habang sumusulyap kay Keanu. First time mga 'te? First time?

"Huy! " napapitlag ako sa kinatatayuan ko dahil kay Keanu. Tumingin ako sa kanya.

"Ha?" wala sa wisyong sagot ko sa kanya.

"Dugyot. Anong gusto mong ice cream?"

"Chocolate. " simpleng sagot ko.

Tumungo naman ako sa libreng table at umupo na agad don habang hinihintay si Keanu na nagbabayad sa cashier.

Siguro mukha talaga akong dugyot kasi hindi man lang ako naligo kanina noong sumama ako kay Dylan. Baka mukha akong basahan kaya tinawag ako ni Keanu na dugyot. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin sa gilid ko. Inayos ang bangs ko at napansin kong mukha nga akong pagod at walang ligo.

"Ginagawa mo?"

"Mahilig ka ba manggulat?" sinamaan ko agad siya ng tingin. Umupo naman siya sa harap ko.

How To Be Happy?Onde histórias criam vida. Descubra agora