Chapter 5

287 32 27
                                    

Happiness and Sadness

Nabalot kami ng katahimikan habang magkaharap kami sa dining table nila. Hindi rin naman ako makaharap ng diretso sa kanya kaya nilibot ko na lang mata ko sa mga bagay-bagay sa kanilang dining area. Gawa sa glass ang dining table nila at bakal naman ang mga upuan. Tulad ng sa amin, pang walohan lang rin ang dining area nila.
Katabi ng dining area nila ay ang mini bar lounge nila. Mayroon silang mataas na transparent glass cabinet kung saan nakalay ang iba't-ibang klase at pangalan ng mga wine. Knowing ang family ay into business? Kelangan talaga na may ganito silang nakahanda sa bahay nila.

Mapapansin mo rin ang iba't-ibang paintings sa dingding ng bahay nila. Mula pagpasok mo sa pinto kahit hanggang hagdan. Mas mapapansin mo rin ang mga mwebles nilang obvious na galing sa ibang bansa tulad na lang ng mga jars nila at madami pang iba.

Mahilig talaga mag travel sila Tita Cherry at Tito Joseph dahil nga sa nasa business ang field nila.

Naubos ko ng pagmasdan mula sa pinakamaliit na bagay sa bahay nila kahit pati alikabok pinansin ko na ata pero yun nga at wala rin ako makita.

"Sorry. " basag niya sa katahimikan. Kaya nagkalakas ako ng loob para tingnan siya. Pekeng umubo muna ako bago sumagot sa kanya.

"Para saan?" kunyare wala akong alam sa tinutukoy niya.

"The other day. Yung muntik ko na mahagip yung batang nakagroot mask pero nagpaka hero ka para pigilan ang sasakyan ko. " at yung peke kong ubo ay napalitan ng tunay na ubo.

"Excuse me?" Taas kilay kong sagot sa kanya. Hala siya! Anong nagpaka hero?

"Labas ka?" lalong naningkit ang mga mata ko dahil sa sinagot niya.

"Biro lang. " ay nagbibiro pala siya sa lagay na yun.

"Medyo nakainom ako that day. I wasn't with my normal self. But then I saw my sister with the other kids sa gilid ng kalsada and she seemed so afraid na sagasaan kita made me stepped on the break real hard. " sabi niya habang nakatitig sa tasa ng kape niya.

"You don't drink and drive, Keanu. " nagulat ata siya na alam ko ang pangalan niya kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

He looks so neat. Sa unang tingin, aakalin mo na naliligo siya oras-oras. His hair is a bit long and spiky, too. He has these thick eyebrows, I think I will always envy about him. His eyes were almond shape na medyo chinky sa dulo. His eyelashes are something I think he will never deserve. Guys, are too blessed with their eyelashes. He has a pair of sad and expressive eyes. His lips are cherry red. Why do I have to feel so envy and less fortunate just by looking at him?

Matikas ang frame niya. Kayang-kaya niya kumarga ng dalawang sako ng bigas sa mga balikat niya and he's almost six feet tall.

"How'd you knew my name?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. I bit my lowerlip.

"Yung pamangkin ko. Si Melo. Yeah. " nakuha naman ata niya ang gusto kong sabihin kaya tumango-tango siya. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng hiya? I've never been this tongue tied.

"I just have to fill in the sadness I feel. Alcohol is the only thing I think I could run to every now and then. " pag amin niya sa akin. It gave me the courage para lunukin ang kung ano man ang pumipigil sa akin sa pagsasalita.

"Saan nanggagaling ang lungkot mo?"
Hindi ko alam kung segundo ba o minuto pero nagkatinginan lang kaming dalawa.

"Tatlong beses na kitang nakita. Sa birthday party, sa grocery at yung sa sasakyan mo and ang tanging tumatatak lang sa isip ko ay kung gaano kalungkot ang mga mata mo. Your eyes looks so helpless na kahit tatlong beses pa lang tayong nagkita, I can feel how they scream for happiness. " walang kagatol-gatol kung sabi sa kanya. If nag da-drive man ako ngayon? Pakiramdam ko nabangga na ako kahit wala naman ako sasakyan na ibabangga.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now