Chapter 20

162 20 16
                                    

Warm Hug and Cold Eyes


Nag rent kami ng isang van para magkasya ang mga bata at yaya. Si Mommy at Aling Beday sumabay sa sasakyan ni Ate Mara na si Kuya Erik ang nag da-drive. Samantalang kami ni Keanu ang sasama sa mga bata at mga bantay nila.

Alas otso ng umaga at hinihintay na lang namin si Fiona at ang Ate niya, nauna na kasi sila Ate para maayos na raw don ang cottege at lahat pagdating namin sa waterpark. Hindi ko masyado pinapansin si Keanu kasi medyo hindi niya rin naman ako pinapansin, baka parte ng plano niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na namin si Fiona at ang Ate niyang si Misty na sakay ng tricycle. Kumakaway pa sa'min si Fiona at lumilitaw ang nag-iisa niyang ngipin sa harap dahil ang lapad ng ngiti niya.

Bumaba sila ng tricycle at all smile pa rin si Fiona habang si Misty ay busy sa cellphone niya.

"Fiona, ganda naman ng Ate mo. " rinig kong sabi ni Emilyo.

"Gusto ko nang katulad ng shades ni Ate Misty, heart-heart na pink. " ani Chloe. Narinig ko pa ang hagikgikan ibang girls.

"Bakit kaya pink ang cheeks niya?" manghang sabi ni Pau.

Sinulyapan ko si Keanu na nasa malayong gilid ko, nakatingin din siya kay Misty pero umiwas din agad. Dumaan siya sa harap ko para tumungo sa driver's seat, siya kasi ang mag da-drive. Hindi niya man lang ako sinulyapan ng dumaan siya.

"Hi, Misty!" bati ko sa kanya pero tipid na ngumiti lamang siya sa akin. "Sakay na kayo para makaalis na tayo. " simpleng sabi ko at kinagat ang lower lip ko.

"Okay. " tanging sagot niya. Sumakay na si Fiona at Misty sa van. Pumasok naman ako sa front seat, sa tabi ni Keanu. Nang naging maayos na ang lahat nagsimula ng umandar ang sasakyan. Maingay ang mga bata. Kanya-kanya silang kwento at tawanan.

"Alam mo ba dinala ko 'yong Powerpuff girls na floater ko!" masiglang kwento ni Amarah.

"Talaga Amarah?" Sambit ni Elena.

"Yehey! Magagamit ko na ulet ang groot floater ko! I love groot!" sabi ni Jovel at nakita ko sa rare view mirror ang pagyakap niya sa groot floater na hawak niya.

"Makikita po ba namin si Ariel, Tita Cha?" tanong ni Jen kaya lumingon ako sa kanila.

"Yes, makikita niyo rin si Poseidon!" nakangiting sabi ko sa kanila. Naghiyawan at kanya-kanyang sagutan sila tungkol sa pagka excite na makarating na kami sa waterpark.

"Tita Cha, pwede po ba kami sa blue slide?" tanong ni Emilyo.

"Hindi kasi ang liit niyo pa. " sabi ko habang sinisenyasan siya gamit ang almost pinagdikit na thumb at index finger ko. Kasabay non ang hiyawan ng mga boys dahil sa pagka dismaya.

"Walang pustahan?" tanong ni Ram.

"May slide rin daw don si Poseidon!" suhestyon ni Brylle.

"Don na lang tayo?" tanong ni Gatas.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa mga yaya at guardian na sumasaway sa inaasal ng mga bat, ang kukulet kasi eh. Sinulyapan ko si Keanu pero seryoso lang siyang nag da-drive. Bakit kaya hindi niya ako pinapansin? Dahil ba 'to sa surpise niya? Kailangan ba 'to para sa surprise niya mamaya?

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na kami sa distinasyon namin. Mas lumakas ang hiyawan ng mga bata. Ini-park ni Keanu ang van at nagsimula ng magsilabasan ang mga bata.

Caribbean Waterpark and Resort Hotel.

"Dahan-dahan mga bata. " paalala ko habang inaalalayan ang mga bata sa paglabas ng van kasama ng mga guardian nila. Dumaan si Misty sa harap ko pero hindi niya man lang ako pinansin.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now