Chapter 33

118 5 1
                                    

The End Of Something Old

Ilang araw  na rin ang nakalipas ng huli kaming magkausap ni Dylan. Hindi ko na rin inalam kung bakit hindi ko na siya nakikita. Pagkatapos noong gabi na nagkasagutan kami ay hindi na rin niya ako hinatid kinaumagahan. Hindi rin ako nakatanggap ng kahit anong mensahe galing sa kanya. Inisip ko na lang ay baka busy rin naman siya at ayoko na lamang istorbohin.

“Cha, tawag ka na ng Mommy mo sa baba, “ pagkatok ni Yaya Beday sa pinto ng kwarto ko.

“Bababa na po,” sagot ko.

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ngayong araw ang fourth death anniversary ng Daddy ko. Nakasanayan na naming pamilya na mag stay sa sementeryo hanggang mag gabi tuwing death anniversary ni Daddy.

Nakasuot lamang ako ng simpleng puting shirt at shorts. Ngumiti ako sa salamin ng maalala ang mga sinabi sa akin ng Mommy ko tungkol sa tunay na pagmamahal ng Daddy ko sa akin.

“Mommy, tara na? “ tanong ko sa Mommy ko ng makbaba ako. Mukhang aligaga pa siya sa pag-aayos ng mga pagkain na dadalhin naming sa sementeryo.

“Teka Cha, tawagan mo nga ang Ate mo kung paalis na sila ng bahay nila, “ utos ng Mommy ko sa akin.

“Hindi pa ba sila nakakaalis ng bahay nila? “ sabi ko sa kanya.

“Hindi pa, “ tanging naisagot ni Mommy bago niya ako lagpasan para magtungo sa backdoor.

Agad ko naman tinawagan si Ate tulad ng utos ni Mommy at nalaman ko na nag tantrums na naman si Melo at tinatamad na gumising ng maaga kaya sila na late mag-ayos.

Nang matapos na ang dapat tapusin sa pag-aayos ay bumyahe na kami papuntang sementeryo. Si Ate ang nag da-drive dahil dahil dala ni Kuya Erick ang sarili niyang sasakyan kung nasaan ang mga gamit at pagkain namin. Katabi ni Ate si Mommy sa unahan at kaming tatlo naman ni Melo at Aling Beday ang nakaupo sa likod.

“Brat, ‘di porke graduation mo kahapon ay magsisipag ka na rin mag tantrums sa Mommy mo ah, “ pang-asar ko sa aburidong si Melo.

“I’m still sleepy, “ tanging naisagot niya.

“And guess what? We’re not going to the cemetery to sleep, “ I stuck my tongue out at him.

“Tita Cha, ang tanda mo na and you still stuck your tongue out at me? “ naiiritang sabi niya sa akin.

“Melo, ang bata mo pa pero ma attitude ka na? “ gaya ko sa tono ng boses niya.

“Kayong dalawa diyan, tigilan niyo na ‘yan, “ suway sa amin ni Mommy. Sinulyapan ko si Ate gamit ang rare view mirror at sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw niya kasi ng ginagatongan ang tantrums ng anak niya, eh ako paborito ko pa naman gawin yun.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami ng sementeryo. We actually have a mausoleum in the cemetery kung nasaan nakalibing si Daddy dahil nga nakasanayan na namin na mamalagi dito tuwing undas, death anniversary, birthday o kahit sa mga normal days lang.

May mga tinanim na orchids at iba’t-ibang  bulaklak si Mommy sa loob ng mausoleum matagal na rin ang nakakalipas kaya ngayon magaganda na ang tubo at pamumukadkad nito. Pinagsamang kulay, itim, puti, cream at grey ang kabuoan ng mausoleum.

“Mommy, sila Tita ba hindi nadadalo? “ tanong ko kahit sa loob-loob ko ay hinihiling ko na lamang na huwag na hindi sila pumunta ngayong araw.

Mayroon kasing apat pang kapatid ang daddy ko, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang sumunod sa kanya ay ang sina Tita Janet, Tita Mariel, Tito Robert, Tito Ralph at ang bunso nila ay si Tita Charie. Panganay si Daddy pagkatapos ang dalawang kapatid niyang lalaki naman ay nasa ibang bansa kasi don na nag migrate. At hindi ko rin kasundo ang mga Tita ko dahil nga ayaw nila sa akin bukod siguro kay Tita Charie kasi medyo cool lang siya bilang bunso.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now