Chapter 37

169 8 2
                                    

The Fact About The Sad Boy

(Listen to the song above hehez)

Nakatingala ako sa mga talang nagkikislapan sa langit.

“Kayo? Hindi ba kayo napapagod? “ wala sa sariling naitanong ko. Tumahan na ako sa pag-iyak at ilang minuto na rin ang nakalipas ng umalis si Keanu.

Hindi ko pa rin maintindihan bakit naging ganoon si Keanu at sobra akong naging apektado.

Ang dreamy masiyado na maging katulad ng mga bituin sa langit, ‘yung hindi napapagod sa kakakutitap sa madilim na gabi para magbigay liwanag sa ibang tao.  Pwede naman tayong maging tulad nila eh pero ‘yun nga lang at ginawa naman tayong tao, taong pwedeng masaktan at mapagod.
Huminga ako ng malalim at tumayo, pinagpagan ko ng dumi ang damit ko. Malamya akong naglakad patungo sa bisekleta kong naibagsak ko. Itinayo ko ito ngunit bigla akong nakaramdam ng nakakasilaw na ilaw na tumama sa mga mata ko at agad akong napapikit at isinangga ang braso ko sa ilaw.

Pagkaraan ng ilang segundo ay namatay ang ilaw at narinig ko ang tunog ng pagbagsak ng pinto ng kotse dahil sa pagsara nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at agad kong nakita si Keanu na nakatayo halos dalwang metro ang layo sa kintatayuan ko.

“Keanu… “ bulong ko at hindi na ‘ko nag dalawang isip pang tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Agad kong niyakap si Keanu sa bewang niya at ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at ang pagyakap niya pabalik sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan sa puso ko.

“I’m sorry,” sambit ni Keanu. “I’m sorry for acting crazy “

“I don’t mind. You’re my favorite Buang. “ sa kabila ng lahat ng nangyari I managed to smile in his arms.

Keanu is currently driving at kahit hindi ko alam kung saan kami patungo ay kampante akong nakahawak sa kamay niya. Nag da-drive siya gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay kanina pa pinipisil ang kamay ko.

Alas onse na ng gabi at wala na masiyadong sasakyan ang makikita sa highway kaya medyo mabilis ang patakbo ni Keanu ng sasakyan niya.

“Slowdown Happy, “ I gently told him. Saglit niya akong sinulyapan at nginitian--- seeing him smile calms my heart. Hindi katulad kanina na ang gulo-gulo at puno ng tension ang puso niya.

Ayokong maging masama ang loob ko kay Keanu dahil sa nangyari kanina kasi naiitindihan ko na tao lang din naman siya--- may karapatan na mapagod, masaktan at maglabas ng sama ng loob. Kahit sino naman pwedeng mapagod. Hindi naman kasi siya isang character sa libro o superhero na may kakayahan na hindi masaktan. Katulad ng sinabi sa akin ni Keanu, ang pag-iyak ng isang tao ay hindi ibig sabihin na  mahina siya o tumitigil na siya sa paglaban. Ang pag-iyak ay ang matapang na pag-amin sa sarili mo na napapagod at nasasaktan ka rin dahil sa matagal na paglaban.

Pagkaraan ng ilang minuto ay pinagmasdan ko ang paligid at halos talahiban na lamang ang nadadaanan namin pero sementado pa rin ang nadadaanan namin.

“Why are we here? “ nagtatakang tanong ko kay Keanu pero hindi siya sumagot. Nagpatuloy pa siya sa pag da-drive hanggang sa narating namin ang dulo.
Lumabas kami ng sasakyan at agad kong nasilayan ang paghampas ng mga alon sa sea wall at ang paghalo ng kadiliman ng langit at ng dagat.

Nilapitan ako ni Keanu at agad niyang hinawakan ang kamay ko bago siya nagsimulang maglakad. Nakasunod lamang ako kay Keanu na diresto lang sa paglalakad hanggang sa maabot naming ang batuhan, Inalalayan ako ni Keanu na makaupo sa pinakamalaking bato na nakita namin habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko. Itinaas niya ang kamay ko at ipinagtagpo niya ang bawat pagitan ng mga daliri namin dalawa.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now