Chapter 49

53 4 0
                                    

Destruction

“Czarina Isabelle! You are grounded until your graduation day! You can not use any of your gadgets and that includes your personal computer inside your room!“

“Dad, that’s like a week na lang! “ I shouted back.

“Ah okay, gusto mong mag extend? Okay then you are grounded until I said so except on your graduation day! That is final! “ Dad exclaimed.

“Mommy! Hindi nga ako drug dealer! I don’t do weeds! They just want to get even kasi hindi ako na expel--- Mommy? Hindi ka rin naniniwala sa akin? “ napabuntong hininga ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.

“How many times do you have to drag our last name’s image on your crazy antics?! “

“Of course! Ako lang naman ang nakakahiya mong anak ‘di ba? “

“Czarina please listen to your Dad… “ mom pleaded while crying. It’s breaking my heart seeing her cry over and over again pero bakit pati siya ayaw maniwala sa akin? Double kill.

“Makinig? Ganyan naman kayo eh. Gusto niyo lagi ko kayong pinapakinggan pero ako? Kailan niyo ba ako pinakinggan? “ I said in defeat. Kusang tumutulo ang luha ko na hindi ko na intupag na punasan. Natahimik sina Mommy at Daddy. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at binagsak ito sa sahig.

“Hindi ako napakulong ng mga police but my parents did. C’mon! Jail me. “ I exclaimed bago tinakbo ang hagdanan namin para umakyat sa kwarto ko.

“Cha!“ ang huling narinig ko mula sa Mommy ko bago ko isinara ang pinto ng kwarto ko.

Pumasok ako ng kwarto ko na sobrang sama ng loob. Kailan ba nila ako papakinggan at paniniwalaan? Bakit ba kakampi ata ng tadhana lahat ng kasamaan na nangyari sa buhay ko? Kinuha ko ang aparatong nakadikit sa monitor ng computer ko at iniwan sa labas ng kwarto ko. Nang mailabas ko na lahat ng pwede pa nilang imbarguhin sa akin ay pabagsak kong isinara ang pinto.

“Duwag! “ sigaw ko sa sobrang frustration ko. Pinagsasapak ko ang mga unan ko. Pagkalipas ng ilang oras napagod na ako kakaiyak pero nanatili akong nakahiga sa kama ko. Bumaba na ang sikat ng araw pero ang sama ng loob ko hindi pa rin.

I thought magiging okay na ang lahat. But Steven and Ryan tried to get even. Alam kong pakiramdam nila nadaya sila dahil ako lang ang hindi na expel sa nagawa namin na planong pagnakaw sa key answers ng exams namin. Noon pa lang alam ko na malaki ang galit nila sa akin. Mga duwag.
Pagkalabas ko kanina ng gate ng school after ng orientation para sa graduation rehearsals ay bigla na lang akong tinabihan ng dalawang pulis na kapwa sibilyan. Sabi nila meron daw silang nakuhang intel na isa ako sa mga drug dealers sa unibersidad namin. They checked my bag at nakitang may tatlong sachet ako ng weeds na ikinagulat ko. Kulungan ang napuntahan ko at ang Daddy ko na naman ang humarap sa lahat. I was framed up. Ryan was able to enter the university at nakuhanan siya sa cctv. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam basta ang tanging klaro sa akin ay ang Daddy ko na naman ang humarap sa problema na kinasangkutan ko. Ironic it is for a lawyer to have a rule breaker kind of daughter.

Problema. Sanhi na naman ako ng problema. Pinanganak siguro ako para maging problema nila. Sa tatlo ba nilang anak na ang dalawang panganay ay successful may isang anak silang puro problema ang dala sa buhay nila.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now