Chapter 38

143 13 2
                                    


Kiss and Friendship

“I can’t believe you Emil! Akala ko ba magkaibigan tayo? “ sabi ng nagtatangis na si Ram sa kaibigan. Inayos ni Emil ang kulay pulang bandanang nakatali sa pawisang noo niya.

“Magkaibigan naman talaga tayo ah! “ sagot ni Emil kay Ram.

“Really Emil? But how dare you ditch our gang meeting today just for us to see you with those dirty street kids? “ mayabang na saad ni Melo.

Magkakaharap silang lahat sa ilalim ng lilim ng matayog na puno ng mangga. Nakasakay sa kanya-kanyang mga bisekleta. Para silang nasa isang seryosong diskusyon. Si Emil mag-isang nakasalungat at nakaharap sa grupo ng naiinis niyang mga kaibigan.

“Can’t you just grow up boys? Be mature! Grade 1 na tayo sa pasukan. “ maarteng suhestyon ni Amarah na mahigpit ang pagkakahawak sa pink niyang helmet.

“Grow up? Yet you still wear bib when eating, “ Melo hissed.

“Naka bib pa rin ako pag umiinom ng Gatas, “ nakangusong amin ni Gatas.

“Oh shut up Melo! We all know na umiihi ka pa rin sa bed mo tulad ng sabi ni Tita Cha, “ pambawi na pang-asar ni Amarah kay Melo na namumula na dahil sa hiya.

“Ay sunog… “ sabi ni Chloe at maarteng nagtakip ng kanyang bibig. Nag apir sila Pau at Elena dahil sa natunghayan at narinig sa mga kaibigan.

“Sunog? “ namimilog ang butas ng ilong na lumingon si Ram sa direksyon ni Chloe na nakatakip pa rin sa sariling bibig. “Sinong sunog?! Ako?” bulalas ni Ram na mas ikinatawa ng mga kaibigan nilang babae.

“Can you all keep quiet? This is supposed to be Emil versus us, “ bored na suway ni Brylle.

“Bakit ba natin inaaway si Emil? “ nagtatakang tanong ni Tinay at nagkamot siya ng ulo.

“Hala! “ napahawak si Jovel sa kanyang mga pisngi. “Nandito ba tayo para awayin si Emil? Papagalitan tayo ni Tita Cha kasi nag-aaway tayo! “ sabi niya sa nag-aalalang boses.

“Hanggang kailan ba tayo matatapos dito?” naiinip na sabi ni Emil habang nakahalumbaba sa manibela ng sariling bike.

Lingid sa kaalaman ng mga nakakatanda ay ilang araw ng may hindi pagkakaintindihan ang mga bata at si Emil dahil di umano’y lumipat ito ng grupo at mayroon ng mga bagong kaibigan.

“Emil pag pinili mo ang mga bago mong kaibigan ngayon hinding-hindi ka na pwede bumalik sa grupo natin, “ kumpara sa lahat si Brylle ang tanging kalmado at nakahalukipkip na tila ba napakaraming iniisip.

“Pwede ko naman kayong maging kaibigan pareha ha? “ suhestyon ni Emil.

“No matter what, we’re friends Emil. “ seryosong sabi ni Shania. Hindi pinansin ang tingin na natanggap niya sa mga kaibigan. “Hindi naman kasi kailangan pumili eh, “ amin niya.

Narinig nila ang malalim na buntong hininga  ni Melo. Umihip ang mapayang hangin sa hapon at nabalot sila saglit ng katahimikan. Ang mga babae sa likuran ay nagtitinginan tila ba nagtatanungan ang mga mata nila kung anong mabuting gawin sa nangyayari habang ang apat na lalaki ay nasa unahan nila at ang siyang unang kaharap ni Emil.

“Emil, pumili ka. “ seryosong utos ni Melo.


Czarina’s POV

“Why are we here? Pwede naman tayo don sa coffee shop ni Raiden ‘di ba? “ nakangusong tanong ko habang pinaglalaruan ang chocolate ice cream cake sa harap ko na unti-unting natutunaw.

How To Be Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon