Chapter 8

189 27 14
                                    

Her and Her Reasons

Lunes ng umaga at katabi ko sa Mommy at hapagkainan kasama na rin si Aling Beday para mag breakfast. Nakasuot na rin ako ng uniform ka papuntang trabaho.

"Ang kukulet talaga ng mga bata 'no Czarina? " nahapag-usapan namin ulet ang mga nangyari noong Sabado. Bakas sa mukha ni Mommy ang saya pati na rin kay Aling Beday.

One of the reasons I enjoyed Saturdays with the kids because napapasaya nila ang Mommy.

"Tawang-tawa ako nung nadulas si Ram, Mommy! Akala nga namin iiyak siya eh. " dagdag ko pa.

"Ano ba ang plano sa susunod na Sabado?" tanong ni Aling Beday.

Napasulyap ako sa wrist watch ko at napansin na mag a-alas syete na pala.

"Feeling ko mamayang gabi na lang natin pag-uusapan yun kasi kung ngayon... Baka ma late ako. " sabi ko ng tumatawa.

"Hatid na kita, Cha. " sabi ni Aling Beday.
I sipped my cup of coffee for the last time. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at nagpaalam na rin.

Habang palabas ako ng bahay nag hahanap na rin ako ng pwedeng e-book na Grab driver. Bakit kasi nakalimutan ko 'di ba? Dapat kanina pa ako nag book! Wala pang available na malapit sa area namin as of the moment.

"Salamat po! Kayo na bahala kay Mommy. " paalam ko kay Aling Beday. Ngumiti naman siya bago niya isara ang gate. Mas ma le-late kasi ako kung mag co-commute ako like sumakay ng jeep lalo na't traffic pa naman sa main road ngayon. Inaayos ang mga daan kasi raw flood control project dahil malapit na tag-ulan.

"Shemay. Hindi ata kaya. " bulong ko sa sarili.

20 minutes away pa ang available na pinakamalapit na Grab. Madalang din na may dumaan na taxi dito sa ganito ka aga. I crossed my arms on my chest. Nag-iisip ako kung ano ba ang mas mabuti kong gawin kasi dapat before 7:30 nasa hotel na ako. Sumulyap ulet ako sa wrist watch ko at 15 mins na lang ay alas syete na. Natigil ako sa pag-iisip ng may biglang tumigil na putin Hondo Civic sa tapat ng bahay namin at lalo na sa tapat ko. Bumukas ang bintana ng driver's sit.

"GOOD MORNING TITA CHA!!!!" maligayang bati ni Amarah with her pigtails at may minimal make-up pa. Napakalapad ng ngiti niya salungat sa mukha na ino-offer ng kuya niya sa umaga. Nakaupo siya sa tabi ng kuya niya nagmamaneho.

"Goodmorning, Amarah!" at nag wave ako sa kanya. I smiled at them.

"Mag wo-work ka na po?" tanong ni Amarah.

"Yup!" maligayang sagot ko sa kanya.

"Paalis ka na?" tanong ni Keanu sa akin.

Tumingin ako sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin. Uhmm. Litaw na naman ba bra ko?

"Oo. Nag bo-book pa ako ng Grab eh. " sagot ko sa kanya. Humarap ulet siya sa akin at nagkatinginan kaming dalawa.

Ilang beses na rin kaming nagkakaharap o nagkakalapit at meron akong napansin.

Magaganda talaga ang mga mata ni Keanu. Yung tipong pag nakatingin siya sa'yo, automatic ng mapapaharap ka sa kanya. Mapapatitig ka rin sa kanya. His eyes are like magnets and it's hard to look away when you're already attached.

"Gusto sana ni Amarah na sumabay ka na raw sa amin. " simpleng sabi niya.

"Kuya----" magsasalita sana si Amarah ng harapin siya ni Keanu at tinakpan ang mga bibig niya. Kumunot ang noo ko.

"Okay lang ba? Baka hassle sa'yo kasi malapit lang naman dito ang Preparatory School eh tapos yung hotel sa Tourism Strip pa. " sabi ko sa kanya. Ayoko lang naman kasi makaabala rin ng ibang tao.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now