Chapter 40

146 9 0
                                    

The Calm Before The Storm

Keanu is holding my hand so tight habang naglalakad kami pabalik ng gazebo. In this islet mayroon lamang isang bungalow beach house na kasya ang dalawa hanggang tatlong pamilya at kumpleto sa bathrooms at kitchen tools, ang gazebo, iilang sun lounger at sand bed sa dalampasigan. Hindi pa talaga ganoon ka kumpleto since this is not for commercial use, bakasyonan lang talaga.

Tanaw namin sa malayo na wala na gaanong tao sa gazebo. Iilan na lang siguro sa mga pinsan ko ang natira dahil patirik na rin ang araw at magtatanghalian na.

“Kuya! “ narinig namin ang pagtawag ni Amarah mula sa gazebo. Kasama niya si Melo at kapwa sila kumakain ng watermelon. Buti naman at nagkasundo silang dalawa.

“Where have you been Kuya? “  Amarah asked at niyakap ang kuya niya sa binti. Napunta sa binti ni Keanu ang iilang buhangin na nakadikit sa swimsuit ni Amarah pero pinagsawalang bahala niya ito. Inangat niya si Amarah, hindi alintana na nababasa ang puting t-shirt niya.

“Just a stroll, Dolly. “

“You should have asked me to come! Ang boring ni Melo kasama! He’s been talking all about Shania coming here instead of me. What an insensitive chimp! “ paghimutok ni Amarah na ikinatawa ni Keanu. Pinagmasdan ko silang magkapatid. They are so close kahit matagal silang hindi nagkasama. Siguro ganoon talaga, when times get rough you’ll find the right people to hold on to at ang matagal na pagkakakilala is just a bunos.

“He really is a chimp, Amarah, “ gatong ko pa at ngumiwi. I heard Amarah’s giggle.

“I like it here Kuya. It’s peaceful here. If only Mommy and Daddy would’ve been here magkakaroon din siguro tayo ng peace at home, “ she joked. I know na sa mga bata, Amarah is one of the mature ones. Lahat ng sasabihin mo sa kanya iniintindi niya.

Imbes patulan ang biro ay ngumiti lamang si Keanu sa kapatid niya at inayos ang iilang hibla ng buhok nitong nakadikit sa kanyang pisngi. He loves his sister very much.

“We will stroll later pag hindi na ganoon ka init, okay? “ Keanu promised his sister.

Naglakad kami patungo sa gazebo na wala ng tao. Nagsipanhik na siguro sa loob dahil tirik na ang araw. We decided to stay inside the gazebo.

“Your Mommy? “ I asked Melo na busy sa pagbibilang ng buto ng pakwan.

“Inside. Grumpy and Sleepy, “ sagot niya ng hindi man lang ako nililingon. “Bakit ang daming seeds ng Pakwan? They’re so annoying Tita. Ayokong tumubo sila sa tyan ko just like what Aling Beday told me earlier, “ pagmamaktol niya.

“You are really a Chimp, Melo. Paano tutubo sa tyan mo? Eh wala naman soil diyan. Booby brain! “ Amarah spat. Nasapo ko na naman ang noo ko dahil nagbabangayan na naman silang dalawa. Kahit sinong kasama ni Melo na kakaaway niya. I wonder kung may kasamang tatanda ‘to.

I don’t want to ruin this day na dapat ay peaceful kaya nagpaalam ako kay Mommy to distant a bit. We strolled around the islet after we ate lunch, ako, si Keanu at ang dalawang daga. I just hope they’ll stop fighting.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming hammock sa isang shady part ng islet kaya we decided to stay in the area. Beside me na nakahiga sa hammock ay si Amarah while Melo and Keanu are near the shore doing something I don’t know.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now