Chapter 42

130 7 0
                                    

Tail of The Storm

“Y-you don’t know anything about m-me…”

I felt a tear streamed down my face. Hindi ako makakurap at gusto kong mabiluakan man lang para mawala ang kung anong bara ang nararamdaman ko sa lalamunan ko.

“Bella! “ agad akong napalingon sa babaeng sumigaw at nakita ko ang parehong babaeng nakasama at nakaharap ko kanina sa pwesto namin. Ang babaeng may kausap sa telepono. Nakalaglag panga niyang tinitingnan ang kaibigang nasa harap ko ngayon. Pilit inuungkat ang nakaraan na matagal ko ng kinalimutan.

Tiningnan niya ko bago ibinalik ang tingin sa lasing na kaibigan.

“So… this is Kean’s girlfriend? “ nakataas kilay na tanong ng babaeng si Bella sa kaibigan niya.

“Yes. She is my girlfriend at wala ka ng pakielam don, “ masunget na sambit ni Keanu. Nakita ko ang pagsinghap ni Bella at naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Keanu sa kamay ko.

“How cheap… isang weed dealer, a liar and a cheater lang pala ang ipapalit mo sa’kin Kean? “ mataray na sambit ni Bella. I felt the lump in my throat getting bigger and bigger that it’s blocking air for me to breathe.

“Papaanong papalitan? Eh kahit kailan hindi naman ako nagkaroon ng interes sa’yo? “ this guy is rude. Masiyado siyang masipag na makipagdaldalan. Nakita ko ang tensyonadong mukha ni Bella. “What you all know about her past won’t make me change my feelings for her, “ sabi niya sa matalim na tono at mistulang pinariringgan ang lahat ng nakikinig sa usapan.

“Hindi ka man lang ba nandidiri--- “

“She makes me happy, you all don’t. See the difference? “ he hissed.

Ang lakas ng electro music ay nakakabingi pero parang ang sinasabi lang ni Keanu ang naririnig ko. Parang naging malabo ang lahat maliban sa kanya. Do I deserve him?

He’s too much for me.

Mas mahigpit na hinapit ni Keanu ang bewang ko na halos nakayakap na ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko… sa harap ng mapanghusgang mga tao. Why do I suddenly feel so vulnerable? Why do I suddenly feel so weak about showing my strong and tough façade?


Inalalayan ako ni Keanu paalis sa kinatatayuan namin. I can feel him being extra gentle habang pababa kami ng hagdanan. Nakakarinig pa ako ng iilang bulongan pero ipinagsawalang bahala ko na ‘to.

Sa dulo ng hagdanan ay nakasalubong namin ang humihingal na si Raiden. I can see his apologetic stare. I gave him a faint smile.

“I told you that this isn’t a good idea… “ Keanu firmly said.

“Czarina… “ tanging nasabi ni Raiden bago siya namin lampasan ni Keanu. Nilingon ko pa siya ng kaonti para ngitian at maiparamdam sa kanya na ayos lang ang lahat.

I stared at Keanu’s serious face while we are heading out of the club.

Keanu is too much for me. I am dressed with flaws and mistakes. Parang bigla kong nakalimutan lahat ng bagay na natutunan ko while trying to live again after my storm in the past. Bigla kong nakalimutan paano maging positibo. Bigla kong nakalimutan lahat ng mga bagay na itinuro ko.

I felt my knees are weak and my hands are trembling. I am not a perfect person. Sa simula’t sapul, hindi ko sinabi na perpekto ako at lagi akong tama. Nagkamali ako, natuto at hindi na umulet muli. Pero hindi pala sapat na natuto ka at hindi ka na umulet para lang limutin ng mga tao ang pagkakamali mo. Hindi pala sapat na bumawi ka sa paraang pagturo sa iba ng mga natutunan mo. Kasi sa huli… some people will only remember your mistake and how it affected everyone badly but they will never appreciate how you strive to correct it and learn from it.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now