Chapter 32

137 10 0
                                    

They are keeping something

“Weird. “

Agad akong napalingon sa nagsalitang si Raiden na nasa gilid ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa mga benches sa ground floor ng bazaar.

Nakatingin siya kay Keanu na kasama sila Amarah sa bilihan ng cotton candy. Kahit si Alon ay sumunod na rin sa kinaroroonan nila kaya naiwan kaming dalawa ni Raiden na nakaupo sa bench.

“Ang alin? “ sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng dulo ng labi niya. Mistulang binibigyan niya ako ng mukhang hindi siya makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari.

“He smiles a lot now, “ sambit niya.

“Hindi ba talaga siya ngumingiti? “ nagtatakang tanong ko kay Raiden.

“He is known for his million dollar smile since we were in grade school. It means that it’s really hard to make him smile like it’s required for you to have a million dollar and that’s quite hard for a normal person. So if you don’t have a million dollar? “ he made the money sign using his fingers. “You’ll never see him smile. “ kwento niya bigla.

“Talaga? “ I asked him. Ibig sabihin matagal na talaga siyang ganoon, malungkot at hindi pala ngiti pero ngayon napansin ko rin na mas palagi na siyang ngumingiti at tumatawa. Ibang-iba na sa Keanu na una kong nakita sa birthday ni Melo.

“Si Kean, hindi pa nagkakaroon ng girlfriend ‘yan, “

“Bakit mo sinasabi sa akin ‘to? “ nakakunot noo kong tanong sa kanya.

“Kasi hindi mo ‘yon alam? “ nakangiwing tugon niya sa akin.

“Do I have to know? “ pigil tawa kong sagot sa kanya dahil sa naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Tumawa ng mahina si Raiden then he crossed his arms.

“I think you have to know, “ naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

“I’ve never seen Keanu with anyone not until now… I saw you, “ dagdag pa ni Raiden sabay kinindatan ako.

Sinulyapan ko si Keanu na nakangiti habang kausap ang kapatid niyang itinuturo ang rainbow cotton candy na hawak niya. Ang saya nilang dalawa tingnan. Itinataas ni Keanu ang cotton candy na pilit naman inaabot ni Amarah, hindi ko napansin na nakangiti na rin pala ako habang nakatingin sa kanila.

Agad kong ibinalik ang tingin ko kay Raiden at nakita kong nakangisi siya habang nakatingin rin sa direksyon nila Keanu. Ibinalik ko ang tingin ko sa direksyon nila Keanu at hindi ko na naman mabasa ang mukhang ipinapakita niya  habang nakatingin sa aming dalawa ni Raiden.

“Nagbibinata, “ tumatawang sambit ni Raiden.

Kunot noo akong nakatingin kay Keanu. He’s giving me that look in which I can’t really understand.

“What? “ I mouthed while staring at him from afar. Sumenyas siya na umusog ako sa kaliwang direksyon kung saan papalayo sa pwesto ni Raiden. And with that muli ko na naman narinig ang mas lumakas na mga tawa ni Raiden.

“Geez man! You look so soft as fuck. “ bulong ni Raiden.  Nanatili lamang akong natangin sa direksyon nila Keanu. Ang saya pagmasdan ng mga ngiti ng mga bata.

“What’s the bravest thing you can do for someone, Cha? “ tanong sa akin ni Raiden. Sinulyapan ko siya at agad akong napaisip sa sinabi niya. Ano nga ba? May nagawa na nga ba akong maituturing kong greatest thing para sa isang tao?

“Siguro ang ipaglaban siya o sila. I think that’s brave, “ I answered him.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang isasagot ko kasi sa sitwasyon ko ngayon parang hindi ko pa lubos maisip na may gagawin akong makakapagpakita ng katapangan para sa ibang tao. Sa ngayon mas gusto ko maging matapang para sa sarili ko. Unless, magkaroon ako ng mas malaking rason para maging matapang para sa iba.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now