Chapter 52: Beginning

11.4K 363 36
                                    

-

Iannie

Isang linggo na ang lumipas, umpisa na ang sem-break. Sa isang linggo na yun ay nanahimik na NAMAN ang Malum. Alam kong may pinaplano na naman sila pero kagaya nila, may plano din ako.Pinaplano palang nila yung susunod nilang hakbang pero ako planado na. Tamang oras nalang ang hinihintay ko para gawin ang pinlano ko- ang atakihin ang pinakamaliit na headquarters ng Malum na pinamumunuan ni Mena.

Kamusta ang Olympus? Ayos naman, school parin. Nag donate ako ng isang milyon para sa mga nasirang gamit sa chemistry lab at para sa pag-aayos nito pero tanging ang school owner lang na si Mr. Preston at sila Louis ang nakakaalam na ako ang nag donate.

Si Maxine? Buhay pa naman, sayang nga at hindi pa nawalan ng memorya. Baka sakali kasing mag bago ang ugali nya kung mag kaka-amnesia sya, pero ayos na din, at least ngayon ay may utang na loob sya sa amin. Pero ayoko parin sa kanya.

Yung gaga? I mean, si Rossa? Hmm. Isang salita lang ang maglalarawan sa kanya- BALIW. Tuluyan ng nabaliw ang babaeng yon, nasa isang mental asylum sya na ako mismo ang nag rekumenda sa mga pulis. Ang lahat ng gwardyang nandoon sa mental asylum na iyon ay tauhan ko. Bantay sarado sya doon kaya kung nagpapanggap lang sya na may sira nga sya sa ulo ay maling desisyon ang ginawa nya dahil nag bigay ako ng utos sa lahat ng nandoon na walang maaaring dumalaw sa kanya. Sigurista akong tao, hindi porke nakita kong nabaliw sya ay maniniwala na ako kaagad.

"Babe..."

"Yeah?" sagot ko habang abala parin sa ginagawa ko- sa pagluluto. Yeah, I'm cooking for our dinner, ako ang nakatoka ngayon. Si Heaven at Louis ang nag mo-monitor ngayon doon sa bahay nila Pistol, pero nandito ngayon si Louis, na-bored na naman siguro.

"Sa susunod na araw daw ay isasama ni Mr. Frost si Bullet sa headquarters 2 para maipakilala na sya doon. Then after that day ay doon naman sa main headquarters sya dadalhin ni Mr. Frost para maging opisyal na syang myembro ng Malum." pagbibigay alam sa akin ni Louis. Pinatay ko na ang kalan dahil luto na naman ang ulam na niluluto ko.

Humarap ako sa kanya at isinenyas na abutan nya ako ng isang plato. "Alam ko ang iniisip mo ngayon, iniisip mong masisira ang plano mo, tama ba?" tanong nya sa akin ng maiabot nya na sa akin ang plato.

Napangiti at tumango nalang ako. Kayang-kaya nya talagang basahin abg iniisip ko. "Hindi naman masisira ang plano mo e. Matapos sabihin ni Mr.Frost iyon kay Bullet at inutusan nya si Pistol na pumunta sa headquarters na pinamumunuan ni Mena. Inutusan nya si Pistol na kabisahin ang buong lugar, loob at labas, lahat ng entrance at exit. Sabi ni Pistol ay gagawa sya ng parang mapa ng buong headquarters at ibibigay nya yun sayo." nakangiting sabi pa nya.

Lalo akong napangiti sa narinig ko. "Alam talaga ni Bullet kung ano ang dapat na gawin, nasolusyunan nya na kaagad." komento ko.

"Wag ka nang magtaka dahil kapatid mo sya, Mayhem din ang lokong yon." natatawang sabi nya. Lumapit sya sa akin at inakbayan ako. "Kaya nga na-iimagine ko na kaagad yung mga magiging anak natin. Ang talino siguro nila no? Imagine, pinaghalong genes ko at genes mo? Aish! Tara, gawa na tayong baby! Excited na akong makita si Iannie liit at Louis liit." ngiting-ngiti na sabi nya habang mabilis na tumataas-baba ang dalawang kilay.

Natawa ako sa kalokohan nya at pabiro syang siniko. "Gago. Bata pa tayo. Mag tapos naman muna tayo ng college bago mag gawa ng baby. Luko-luko ka talaga haha." natatawang sakay ko nalang sa kalokohan nya.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now