Chapter 14: Party with a twist

18K 534 25
                                    

-

Iannie

After solving crime at Jakorphi, syempre itinuloy namin ang pag kain namin. Mag o-order nga sana kami ng panibagong pag kain dahil parang bangkay na sa lamig ang pag kain namin, yung cocktail namin nalipasan na ng lamig and lastly, yung halo-halo tunaw na yung yelo at icecream. Pero dahil sa pasasalamat ni Jericho, ang bestfriend ng biktima na manager ng Jakarphi ay binigyan nya kami ng lunch at take note, isinoli nya pa ang ibinayad ni Louis para sa in-order naming pag kain kanina. Ngayon, masasabi ko na talagang ang sarap ng libre.

Hindi lang yun ang magandang naging bunga ng pag resulba namin sa nangyaring krimen kanina, dahil sa marami ang nakakita ng mabilis naming pag solve sa kaso ay madami kaming napahanga kaya naman ang baon naming business card ay halos maubos na dahil sa dami ng humingi. May isang blogger/writer din ang humingi ng permiso upang mai-post nya sa blog nya ang ginawa namin pag solve sa kaso, sinabihan nya rin kami na minsan ay bibisita sya sa Olympus para ma-interview kami ng ayos pati na rin ang iba pang myembro ng club namin.

Pero syempre, mawawala ba ang mga negative comments? May mangilan-ngilan din kaming narinig na mga walang kwentang bagay. Kesyo wala naman daw kaming naitulong. Like what the fox say!? Walang naitulong eh ano lang pala yung ginawa namin don? Tumunganga lang? Sarap hampasin ng lamesa!

Dumiretso na kami sa salon pag katapos naming kumain and as expected, wala ni isang seat ang bakante, lahat may nakaupong customer. Ewan ko ba sa mga yan, ginawa na atang tambayan tong spa and salon ni mommy. Halos lahat ng mga customer na nandito ay pamilyar sa akin, ko lang alam ang mga pangalan.

"Siguro naman makakapag pa-gwapo ako dito ng ayos no? Yung walang biglaang sisigaw." natawa ako ng mahina sa sinabi ni Louis, ganon din kasi ang iniisip ko. Ewan ko ba, masyadong malakas ang magnet namin sa mga krimen.

At dahil nga ako ang anak ng may ari, hindi na namin kinailangan pang pumila o mag-intay para sa aming munting make-over. At dahil pakana naman ito ni mommy, whole body massage muna ang unang hakbang sa pag papa-antok este pag papaganda pala.

Lumipas ang ilang minuto o oras na nga ata. Ewan ko,hindi ko na namalayan dahil nakatulog ako. Basta ang tanda ko lang eh ginising ako nung natapos na yung massage then pinalipat ako sa upuan na nakaharap sa salamin at ayon na, wala na akong maalala dahil himbing na ako sa pagkakatulog ko. Nagising nalang ako ng may maramdaman akong mahihinang tapik sa balikat ko.

"Wake up sleepy head..." narinig kong sabi ni Louis kasabay ng mahinang pag tapik sa balikat ko. Idinilat ko ang mga mata ko at saka humikab. "Anong oras na? Mahaba ang itinulog ko?" tanong ko sa kanya gamit ang medyo antok pang boses.

"It's already 4:30 in the afternoon. Nag tanong nga pala yung manager ng salon kung ano daw ime-meryenda natin, nag pabili nalang ako lomi. Favorite mo yun diba?" nag pasalamat ako sa kanya at nag inat-inat. Ang tagal pala ng itinulog ko.

"By the way, malapit na daw sila Bullet at Heaven." sabi nya pa. Napatingin ako sa reflection ko sa malaking salalim na nasa harapan ko. Oh, kinulayan pala nila ang buhok ko at ginawang wavy. Hmm. Mas gusto ko to kesa dun sa dati kong buhok na tuwid at plain black lang.

"Bakit ang agad naman ata nila? 5pm pa ang tapos ng last subject natin diba?" tanong ko sa kanya. "May biglaang lakad daw si Ms.Ravena kaya walang last subject." sagot nya. Ah,kaya naman pala. Akala ko eh nag cut na sila ng klase.

Nang matapos kaming kumain ay saka sinimulan ang pag me-make up sa amin. Oo pati si Louis, pero syempre, hindi naman katulad ng make up sa akin ang gagawin sa kanya.

"Ma'am Iannie, may tatlo nga po palang dress at tatlong tuxedo na pinadala dito si Ma'am Janiella, doon daw po kayo pumili ng isusuot nyo. Masyado daw po kasing simple yung mga binili nyong damit." napailing nalang ako sa sinabi ni Ms.Manager. Ai mommy talaga kahit kailan. Tsk.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now