Chapter 23: Islandventure [2]

14.2K 437 25
                                    

-

Iannie


"Bakit nag tatago ka dyan sa lilom?" tanong ni Louis sabay upo sa tabi ko. After namin mag lunch ay nag ikot-ikot kami at heto, ngayon ay nag si-swimming na sila at ako? "Tinatamad pa ako, mamaya na ako mag si-swimming kapag lubog na ang araw." sagot ko. Hindi naman sa takot akong mangitim, tinatamad lang talaga akong gumalaw.

"Wala ka bang napapansin dun sa dalawa?" napalingon ako sa kanya at tinignan din ang tinititigan nya. "Actually meron. Specially kay Bullet." sagot ko.

"Matagal ko ng kilala yan si Bullet, dakilang casanova yang lalaking yan. Pero ngayon? Hindi ko na nakikita ang Bullet na casanova." nakangiting sabi ko habang nakatingin parin dun sa dalawa na nag sasabuyan ng tubig.

"So sinasabi mo ba na nag bago si Bullet at si Heaven ang nag pabago sa kanya?"tanong ni Louis.

"I don't know. Maybe. Simula kasi nung maging member na natin sya at mas naging close sila eh napansin ko na unti-unting nawala ang pagiging casanova nyang si Bullet hanggang sa tuluyan na ngang nawala."

"Sa tingin mo, may something kaya ang dalawang yan?" may pag ka-tsismoso din pala tong si Louis. "Maybe they have special feelings for each other." tipid na sagot ko nalang. I'm not sure of it, di ko naman nararamdaman ang nararamdaman nila.

Kung ibang tao siguro ako at hindi ko kilala si Heaven at Bullet ay sa isang tingin palang, iisipin ko na mag girlfriend at boyfriend silang dalawa. Ang sweet nga nilang tignan na dalawa eh, parang nag re-relationship goals lang.

Sa sobrang pag kakatitig ko sa dalawa eh hindi ko na namalayang wala na pala sa tabi ko si Louis. Lumingon ako sa mag kabilang gilid at sa likuran ko pero wala. Saan naman kaya nag punta ang lalaking yon? Hindi kaya nag hahanap ng chix yon? Psh. Nandito naman ako ah, bakit pa sya nag hahanap?

Tss. Ano ba tong pinagsasasabi ko? Tss.

Isinuot ko nalang ang salamin ako at pumikit. Matutulog nalang ako kaysa isipin kung anong ginagawa ni Louis at ng kung sino mang babae na nabingwit nya.

Halos mapabalikwas ako ng maramdaman kong may malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. "Damn! Nagulat mo ako!" I hissed. He just laugh and hand me a bowl with cubes of watermelon, kiwi and blueberries na may cornflakes din at ice cream. "Patbingsu?" tanong ko at kinuha na sa kanya ang masarap na pag kain na ibinibigay nya sa akin.

"Yeah. Naalala ko kasi na gusto mo nga pala nyan." sagot nya. Huh? Paano nya naman nalaman na gusto ko nito? Wala naman akong sinasabi sa kanya ah. Honestly, this is one of my favorite korean dessert.

"Based on your microexpressions, nag tataka ka kung paano ko nalaman. Well, nung nasa mansion nyo kasi tayo at nanonood ka ng Kdrama may scene don na kumakain sila ng patbingsu and I don't know kung aware ka ba na nasabi mo yun but ang sabi mo is gusto mong kumain ng patbingsu, at ayan, may nakita kasi ako kaninang stall na nag titinda nyan kaya bumili ako." mahabang paliwanag nya. Nasabi ko pala yun? Akala ko sa isip ko lang sinabi yun.

Pero ayos lang, maganda naman ang naidulot eh. Oh diba? May patbingsu ako ngayon at libre pa.

"Bakit hindi ka bumili ng sayo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong nakatingin sya sa akin habang nakain ako. "Gusto mo ba? Oh, say ahh..." itinapat ko ang kutsara sa bibig nya pero nginitian nya lang ako at hinawakan ang kamay ko at kinontrol iyon para maisubo ko sa sarili kong bibig ang kutsara.

"Makita lang kitang nakain busog na ako."banat nya habang nakangiti. Napairap ako. "Wag ko nga akong padalihan ng ganyan. Ano mag kadugsong ang bituka natin kaya kapag kumain ako eh nabubusog ka rin?" pang babara ko. Tinawanan nya lang ako at mahinang pinitik sa noo.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now