Chapter 27: Affluent robbers

13.7K 479 45
                                    

-

Iannie

Palihim na sumilip ako sa pagitan ng kurtina, wala akong makita ni isang tao sa labas. Bakit ganon? Dapat minamatyagan na nila kami ngayon.

"Hindi ka ba matutulog Iannie?" *yawn* "Mag te-twelve AM na ah?" antok na tanong ni Louis sa akin. Lumingon ako sa kanya at humabol pa ulit ng isang tingin sa labas bago umupo sa kama.

"Go back to sleep. Don't worry about me, hindi pa ako inaantok." sagot ko nalang. Ang totoo nyan ay medyo inaantok na ako pero ayoko pang matulog dahil hinihintay kong dumating ang kung sino man na mag mamanman sa bahay na tinutuluyan naming apat ngayon.

Nasaan kami? Nasa isang two-storey house kami dito sa loob ng Greenland subdivision. Kanino ito? Sa tita ni Heaven. Buti nga at pumayag yung tita nya na mag stay kami dito. Wala din naman kasi sa Pinas yung tita nya kaya walang tao dito sa bahay nya.

At syempre,ang address ng bahay ng tita ni Heaven ang inilagay ni Louis na address nya nung nag fill up sya ng form kanina. Mabuti nga at may bahay kaming magagamit nilang pang front namin yun nga lang, medyo hassle dahil mga estudyante kami at kailangan naming pumasok. May kalayuan kasi itong subdivision sa Olympus, buti nalang talaga at ayos lang kay Sir Art, kinausap kasi namin sya kanina, sinabi namin na may iniimbistigihan kaming kaso at medyo maaapektuhan nito ang pag pasok namin sa oras ng klase nya. Ayos lang naman daw sa kanya na ma-late o hindi kami maka attend sa klase nya dahil alam nya naman daw na madali lang kaming makakahabol sa mga lesson.

Napahawak ako sa baril ko ng may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa pintuan. Mabilis ngunit tahimik na nakalapit agad akonsa pintuan. Gumalaw ang doorknob at dahan-dahang bumukas ang pinto. Itinutok ko ang baril sa kung sino man ang nag bukas ng pinto.

"Holy shit!" agad kong ibinaba ang baril ko at isiningit sa may tagiliran ko. "Mukha bang mag nanakaw ang gwapong mukha na to huh? Tinakot mo ko!" reklamo ni Bullet. Oo, si Bullet yung pumasok.

"Malay ko ba. Bakit ba kasi nandito ka? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Ano ba naman kasing ginagawa nya dito?  Alas dose na, akala ko pa naman tulog na sya.

"Andyan yung list ng mga nag ta-trabaho dun sa shop. Mula sa pinakamababang pwesto hanggang sa pinaka mataas." inabot nya sa akin ang USB. "Nandyan na rin ang mga infos ng mga taong nandyan." napatango ako. Maasahan talaga tong si Bullet pag dating sa mga ganitong bagay.

"Bakit nga pala gising ka pa?" tanong nya sa akin. Lumingon sya sa natutulog ng si Louis. "Plakda na si Louis samantalang ikaw eh gising na gising pa. Ano bang ginagawa mo?" dagdag tanong nya pa.

"I'm checking the perimeter. Baka kasi minamanmanan na tayo ngayon. Mabuti ng aware ako." sagot ko. Kinuha ko sa bag ko ang isang baril. "Take this. For emergency and safety purposes." kunot noong tinanggap nya iyon.

"Akala ko ba gumugugol sila ng ilang araw bago nila gawin ang pag nanakaw? Hindi naman nila tayo biglang papasukin dito diba? Kaya para saan to?" tanong nya.

"Mabuti ng sigurado tayo. Hindi natin basa ang isip nila. Mga kriminal sila. Oo nag mamanman sila ng ilang araw bago mag nakaw pero anong malay natin kung bigla nalang tayong pasukin dito? Mabuti na yung handa tayo." paliwanag ko.

Hindi lang basta mag nanakaw ang mga yon, matatalinong mag nanakaw sila. Ayokong dumating sa punto na maisahan nila kami dahil kampate kami na ilang araw pa bago sila mag nakaw.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon