Chapter 46: Infos

12.2K 357 32
                                    

-

Iannie

"Bullet, yung chip na ipinalagay mo sa akin sa katawan ni Jessa Brigham, tracker yon, tama? Find her, we need to talk to her."

"Huh? Bakit?"

"Because she is a Amaluma. Malum's head is Amaluma, I'm hundred percent sure of that." mukhang kulang pa ang paliwanag ko. "Look, Pistol said that they joined the Malum because his father wants their family to be recognized. Just by that masasabi na na isang Amaluma ang head ng Malum, dahil hindi sya sasali doon kung hindi nya alam na Amaluma ang nagpapatakbo ng Malum. Isipin nyong mabuti, gusto nyang makilala ang pamilya nya, nino?" tanong ko sa kanila.

"Nang Amaluma?" patanong na sagot nilang tatlo. Ngumisi ako at tumango. "So kakausapin natin si Jessa dahil maaaring may alam sya kung sino ang head?" tanong ni Heaven.

"No. Hindi lang maaari, siguradong kilala nya ang head. Naalala nyo ba yung pag-uusap nila ni Iannie? Diba ang sabi nya ay kaya sya pumasok sa Olympus ay para mapalapit kay Iannie ng sa ganon ay kilalanin sya? Sa tingin ko yung taong tinutukoy nya na kikilala sa kanya ay ang head ng Malum na isang Amaluma." sagot ni Louis.

"Yan din ang tingin ko, kaya nga kailangan nating makausap si Jessa."

"Magagawa kong alamin kung nasaan sya, ang tanong...makakausap ba natin sya? At paano natin yun gagawin?" tanong ni Bullet.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Louis at sabay na napangisi. "Oh no...Pasok-bahay gang ala Nameless club at its finest." nakangiwing sabi ni Bullet.

Napalingon kaming tatlo kay Heaven na humikab ng mahaba at malakas. "Matulog ka muna malabs, gigisingin ka namin pag-aalis na tayo." sabi ni Bullet na busy parin sa pag pindot doon sa laptop nya.

"Hindi naman ako inaantok, humikab lang talaga ako." nag kibit balikat nalang kaming tatlo. Sabi nya eh, okay.

Hindi parin kasi ma-track ni Bullet si Jessa. Medyo matagal na din daw kasi yung chip sa katawan nya kaya hindi na ito gaanong nagpa-function, pero syempre, dahil technology geek ang kapatid ko ay ginagawan nya ito ng paraan.

Pagkaraan ng halos isang oras ay nag-appear sa screen ang parang mapa. Nakangising humarap sa amin si Bullet habang tinataas-baba ang kilay na para bang sinasabing 'ang galing ko, diba?', well, magaling naman talaga sya.

Agad na hinanda namin ang mga sarili namin sa panibagong oplan pasok-bahay na gagawin namin. Pero hindi bahay ang papasukin namin ngayon kundi ang pinagtatrabahuhan ni Jessa, ang Amaluma Incorporation.

Hindi na rin namin kinailangan pang mag plano kung paano namin papasukin ang building dahil napasok ko na yun dati. Easy nalang sa amin yon, lalo na ngayon na kasama namin ang hacker kong kapatid. Kung dati nga ay napasok ko yung ng hindi ako nahuhuli kahit na madaming CCTV camera ang nada paligid, ngayon pa kaya?

"Wala na bang ibang tao?" tanong ko kay Bullet na kasalukuyang tinitignan ang lahat ng anggulong sakop ng mga CCTV camera.

"Janitor nalang na nasa fifth floor pati yung dalawang guard sa main entrance. Wala ng ibang tao bukod sa kanila at kay Jessa na nasa loob ng office nya." sagot ni Bullet.

"Let's go then." binuhay ni Louis ang makina ng kotse at pinaandar ito papunta sa pinakalikod ng building kung saan nandoon ang fire exit.

Every ten seconds ay nagbabago ng direksyon ng CCTV kaya medyo mahihirapan kami. Dati naman hindi nagalaw ang mga CCTV dito, nakita kaya nila yung pagpasok ko dito dati?

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now