Chapter 70: Who's going to die?

12.7K 328 60
                                    

-

DON'T fvcking die, Capricornus. Paulit-ulit na bulong ni Iannie habang tahimik na naghihintay sa labas ng operating room. Mahigit kalahating oras na silang naghihintay ni Louis ng resulta sa ginagawang operasyon kay Capricornus, pero hanggang ngayon ay wala parin silang natatanggap na balita kung malala ba ang lagay nya o ligtas na ba sya.

Wala parin silang natatanggap na tawag mula kay Bullet o sa isa sa mga pinsan ni Iannie na nandoon sa Mystery Village, hindi nila alam kung ano na ba ang nangyayari doon, kung may sugatan ba sa panig nila, kung ubos na ba ang tauhan ni Matteo, kung nahuli ba nila si Imperial.

Wala. Wala silang ideya kung ano na ba ang nangyayari doon. Hindi rin naman sila basta makatawag dahil baka sa ang pagtawag nilang iyon ay maging sagabal at maging dahilan upang maging tagilid ang laban, kaya naman wala silang ibang magawa kundi ang maghintay nalang.

"Nauuhaw ako. Bibili lang ako ng maiinom, ikaw, may gusto ka ba?" tanong ni Louis kay Iannie pero wala syang naging tugon.

Okupado ng kung samut-saring tanong ang isip nya kaya naman hindi nya na namalayan na nagtatanong pala si Louis.

Bakit hinayaan ko pang umabaot sa ganito? Kapag hindi naging maganda ang resulta sa operasyon ni Capricornus ay sisisihin ko talaga ang sarili ko. Ako ang may kasalanan nito. Fvck! Bakit ba kasi hindi ko nalang pinatay ang Matteo na yon kahapon? Kaharap ko na sya, dapat binaril ko na sya sa ulo para tapos na. Isa pa si Heaven at Imperial, bakit hindi ko pa sila pinatay doon sa Tagaytay? Kung pinatay ko nalang sana silang lahat kaagad, aabot pa ba sa ganito?

"Babe..." pagkuha ni Louis sa atensyon nya na sinamahan pa ng pagtapik sa balikat.

"Huh? Why? Lumabas na ba si Dr. Walter? May balita na ba kila Bullet?" walang muwang na tanong nya.

Bahagyang napailing si Louis. "Not yet and still nothing. I'm just asking if you want something to drink." sagot nya habang titig na titig kay Iannie.

Why is he staring at me like that? Is he trying to read my thoughts? Damn. I'm spacing out again.

"You're spacing out again. Don't blame yourself, please." pakiusap ni Louis. Napahinga nalang ng malalim si Iannie at bahagyang tumango. "You want something to drink? Coffee? Juice? Soda?"

"Just a cold damn water." tipid na sagot nya. Umalis na si Louis para kumuha ng maiinom nila at sya naman ay kinuha ang cellphone sa bag. Plano nyang manood nalang ng kung anong video sa Youtube app upang pansamantalang tumigil ang pag-iisip nya.

Hindi pa man sya nakakatapos ng isang video ay nakabalik na kaagad si Louis. Ibinigay sa kanya ni Louis ang naka-bote na tubig at akmang magsasalita na ito ng makarining sila ng mga yabag.

Kaagad na napalingon sila sa pinanggagalingan ng yabag at napatayo. "How was it? Wala bang nasugatan sa inyo?" tanong ni Iannie sa mga kararating palang habang isa-isang tinitignan ang mga katawan nila.

"Walang nasugatan sa amin. Katulad ng ibinilin mo ay inubos namin ang lahat ng tauhan ni Matteo na nandoon. Si Imperial ay nagawa rin naming patayin at kasalukuyan ng nililinis ng mga reaper ang kalat na naiwan namin sa Mystery Village." sagot ng pinsan nyang si Rhaiu sa kanya.

Nakahinga ng maluwag si Iannie at uminom ng tubig. Nang maubos nya na ang laman ng plastic na botelya ay muli nyang iginala ang tingin nya sa mga pinsan nya. "Where's Bullet?"

"I'm here. Naghilamos lang ako, puro talamsik ng dugo ni Imperial ang gwapo kong mukha eh."

"Edi ikaw na gwapo." sabay-sabay na sabi ng mga pinsan ni Iannie kay Bullet na tinigunan lang nito ng nakakalokong ngisi. Si Iannie ay napailing nalang, hindi na yata matatanggal ang kahanginan sa kapatid nya.

Badass Detectives [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang