Chapter 69: Unexpected

10.2K 312 21
                                    

-

Iannie

"Bantayan nyong mabuti si Heaven, wag nyo syang hahayaan na makahawak ng matalim o matulis na bagay, baka magpakamatay pa ang impaktang yon." bilin ko sa tatlong reapers na nagbabantay sa pinagkukulungan ni Heaven.

Naisip ko na baka magpakamatay sya dahil nung maikulong na namin sya kahapon doon sa seldang pinagkukulungan nya ngayon ay sinabihan nya kami na hindi namin sya mapapatay, hindi nya daw hahayaan na isa sa amin ang tumapos sa buhay nya. Hindi ako nag-aalala sa kanya, ayoko lang na patayin nya ang sarili nya dahil trabaho ko yon.

"Nag-aalala ka na baka patayin nya ang sarili nya?" tanong ni Bullet na nakahilig sa hamba ng pintuan. "Kanina pa ako dito kaya narinig ko ang ipinagbilin mo sa kanila. So ano? May awa ka parin na nararamdaman, Iannie? Ipapaalala ko lang sayo, traydor sya, niloko at pinaikot nya tayong lahat." may pagbabanta sa boses nya pero hindi iyon sapat para matakot ako.

Ngumisi ako sa kanya. "Ikaw, nag-aalala ka ba sa kanya?" balik tanong ko sa kanya. "Sa ating lahat ikaw ang dapat na tanungin nyan. Oo, halos ituring ko na syang kapatid pero iba yung sayo, naging kasintahan mo sya. Sineryoso mo at minahal mo sya, nagbago ka nga ng dahil sa kanya, hindi ba? Mas malalim yung naging samahan nyo kaysa sa amin, kaya ngayon ikaw ang tatanungin ko, nag-aalala ka ba sa kanya? May nararamdaman ka bang awa?"

"Ikaw ang pinaka nakakakilala sa akin, Iannie. Tarantado akong tao nung makilala mo ako, kaliwa't kanan ang babae ko, wala rin akong pakialam kung ano ang nararamdaman ng iba, tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Hindi ako nagbago, itinigil ko lang ang nakasanayan ko dahil nagkagusto ako sa kanya. Gusto, hindi mahal." tumigil sya saglit at tamad na tinignan ako. "Bakit ba kasi hindi mo nalang sya patayin ng hindi na ako nabibwiset araw-araw? Nakakairitang isipin na humihinga parin hanggang ngayon ang taong dapat na patay na."

Umiling-iling ako at lihim na napatawa. Hindi nga talaga sya nagbago gaya ng sinabi nya. "Utos ni dad, sumusunod lang ako. Gusto daw nya na makita ni Heaven kung paano bumagsak ang pamilya nya."

"Tss. Bakit kailangan pa non? Ang dami namang arte ni dad." inis na reklamo nya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Edi sa kanya ka mag reklamo, ikaw na rin ang pumatay kay Heaven. Kung sa tutuusin naman ay ikaw ang pinaka naloko nya, ibabalato ko na sya sayo."

Napalingon sya sa akin. "Talaga? Walang halong biro?" simpleng tumango ako bilang sagot. "Nice one, sis. Oo nga pala, tumawag si Julz sa akin, ayos na daw yung bahay na binili nya. May mga gamit na daw doon sa bahay, pwedeng-pwede na daw tayong pumunta doon, na-submit nya na rin daw sa security ng subdivision yung mga pangalan na gagamitin natin."

Malapad na napangisi ako sa narinig ko. "She's fast, huh? I'm impressed." inaasahan ko kasi na baka bukas pa sya matatapos sa mga pinapagawa namin pero heto, wala pang isang araw ay tapos nya na. "Nakaligo ka na ba? Babaguhin ko na yang mukha mo, pupunta tayo doon ngayon." well, hindi lang naman ako ang gagawa ng 'magic' sa mga mukha namin, hindi ko kaya yon ng mag-isa at isa pa, hindi ganon kalawak ang alam ko sa ganong bagay. Mas mapapabilis din kami kung may tutulong sa akin.

But I know someone who is expert in that field. She works as make-up artist on our talent agency and she's the best, well, in my opinion.

"Ano bang magiging itsura ko? Baka gawin mo akong bakla, tatamaan ka talaga sakin." nakakalokong ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Mukhang magandang ideya ang sinabi nya.

"Wow. Ako ba talaga to?" sabay na tanong ni Louis at Bullet ng makita nila ang itsura nila sa salamin. Panay ang hipo nila sa iba't-ibang parte ng mukha nila na napapatungan ng makapal na makeup. "Lalong tumangos yung ilong ko tapos medyo lumaki yung mata ko. Damn. Kakaiba talaga ang power of makeup." komento ni Louis.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now