Chapter 22: Islandventure

16.2K 480 11
                                    

-

Iannie

Matigas ang ulo ko, alam ng lahat yan, kaya eto, on the way na kami papuntang Olympus. Tama na yung halos limang araw kong tulog at isang araw na pag papahinga. Hindi na masakit ang katawan ko, salamat sa tulong ng pain killer na ibinigay ni Dr. Walter sa akin. Pero kahit ayod na ang pakiramdam ko, hindi pa rin ayos ang pisikal kong anyo, damn! Puro pasa at galos pa rin ang katawan ko pero ayos lang dahil hindi naman ako nag-iisa, si Louis ay ganon din. Lamang lang sya dahil totally ng walang sakit ang katawan nya.

Tumawag si Sir Art kay Louis kahapon, kinakamusta kaming dalawa at tinanong kung gising na daw ba ako, ibinahagi naman ni Louis ang magandang balita kay Sir at nabanggit nya rin na papasok na kami ngayon dahil sa pag pipilit ko. Nabigla si Sir, pero wala ring nagawa nung sinabi kong mamamatay ako sa boring doon sa mansyon kung hindi pa kami papasok at isa pa ayos na ayos na ako,pwede na nga akong mambugbog eh. May sinabi syang tungkol sa ginawa namin, sa pag ligtas namin sa buhay nya, pero hindi ko naman naintindihan basta ang naintindihan ko lang ay personal daw na mag papasalamat daw ang school owner sa amin. The hell I care.

"Youngㅡ"

"Iannie nalang sabi eh. Kulit mo naman Manong Jack." sabi ko sa kanyam Bakit ba lagi nalang young ladyang tawag sa akin?Nakakaumay na eh. Tsk.

"Ms.Iannie, tinatanong po ni Ma'am Janiella kung kamusta daw po kayo, sasabihin ko po ba yung nangyari sa inyo?" tanong nya.

"Wag manong. Mag-aalala lang yun. Just tell her that I'm okay." sagot ko sa kanya. Tumango naman si Manong at pinagbuksan na kami ng pinto. Manong Jack is our family driver. Matagal na syang driver namin, hindi ko alam kung ilan ang exact years pero bata palang ako driver na namin sya. At lagi nya rin akong pinag tatakpan sa mga kalokohang ginagawa ko, katulad nalang ngayon. I owe him a lot.

"Ay Ms.Iannie.." tawag ulit sa akin ni Manong Jack. Lumingon ako sa kanya. "Nakasalubong ko nga po pala si Ms. Montefalco kahapon, pinapasabi nya po na kung maaari nyo daw po syang bisitahin sa LCBA, may ipapa-konsulta daw sya." sabi nya. Kumunot ang noo ko. Ano namang ipapa-konsulta nya sa akin?

"Montefalco? Si Ate Lei?" tumango sya. "Ano daw ang ipapakonsulta nya?" tanong ko ulit. "Hindi nya po sinabi, hindi nya daw po kasi kayo ma-contact, pero ang sabi nya, kapag may oras sya ay sya na mismo ang pupunta sayo." sagot nya. Hmm. Seems important.

"Sige po manong. Salamat. Ingat po kayo sa byahe."

"Lei Montefalco? Yung sikat na business woman?" tanong ni Heaven. Tumango ako bilang sagot. "Waah! Paano mo nakilala yun? Idol ko yun eh!" halos mag ning-ning na ang mata nya habang nag tatanong sa akin.

"Family friend. Idol ko din yun, ang astig non lalo na kapag may hawak ng baril." sagot ko. Kumunot ang noo nya. "Anong baril? She loves shooting?" tanong nya.

Napatawa ako ng mahina. "Technically yes but in a much more level. She's the most dangerous woman you'll ever meet." sagot ko. Lalong nangunot ang noo nya. Lumingon ako kay Bullet at Louis,parehas ding nakakunot ang noo nila.

Napatawa ulit ako pero this time malakas na. "Wala kayong idea kung anong klaseng pag katao meron sya? Haha. Hindi lang sya simpleng sikat na negosyante, sya ang boss ng mga boss ng lahat ng white mafia. Angel outside, devil inside. But she's really kind, wag nyo nga lang gagalitin dahil pati anino nyo mabubura sa mundong to." natatawang sabi ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now