Chapter 49: Bullet's plan

13K 362 19
                                    

-

Iannie


"Kamusta lakad nyo ni dad kahapon?" tanong ko kay Bullet na parang isang linggong hindi kumain. Lamon na nga ang tawag sa ginagawa nya ngayon. Nandito kami ngayon sa clubroom,nag tatanghalian palang kahit na oras na ng pag me-meryenda.

Linunok nya yung sandamakmak na pagkaing nasa bibig nya bago sumagot. "Halos sumabog ang utak ko! Damn! Ang hirap palang maging businessman! Ang daming mga papeles na dapat i-review!" reklamo nya. "Yung sa mafia naman ay ayos lang, madali ko namang naintindihan yung tungkol sa transactions, kung paano mag-gawa ng deals, partnerships at kung ano-ano pa. Mas nagustuhan ko pa nga yun kaysa doon sa mga negosyo natin. Ay, oo nga pala, ang sabi ni dad mag focus ka daw muna sa mga business since kabisado mo na naman daw ang mafia." okay. Wait. Why?

I know that someday I'll run one or two of our business, pero bakit kailangan kong mag focus doon? Andyan naman si Bullet ah. "Bakit daw? Diba dapat ikaw ang mas mag focus sa business dahil ikaw yung panganay tapos lalaki kapa?" tanong ko.

"Yeah, nandoon na tayo sa ako ang panganay but iyon ang utos ni dad since tayong dalawa ang susunod na magiging mafia boss."

Nanlaki ang mata ko. Kaming dalawa? Expected ko na na maging mafia boss si Bullet in the future, but me? Nah.

"Kayong dalawa? Mafia boss? Diba dapat isa lang yun? Official na ba yan?" sunod-sunod na tanong ni Louis at Heaven.

Tumawa ng malakas si Bullet. "Chill haha! Official na yun pero matagal pa bago mangayari. Next year? Next next year? Hindi ko din alam. Ako ang nag request kay dad nun, imbis na ako lang ay gusto kong kasama ko si Iannie. Alam naman nating lahat na bago lang ako dito at isa pa, hindi ko kayang pantayan ang leadership ni Iannie kahit na mas matanda ako sa kanya. Nangangamba ako na baka kapag ako na ang nasa pwesto ay mag kanda-letche letche na ang mafia kaya mas mabuti yung dalawa kami, masyadong malaki ang Mayhem Mafia para pamunuan ko ng ako lang mag-isa." mahabang sagot nya.

Naiintindihan ko sya. Buti nga nalaman namin na may kapatid pa pala ako, kung hindi akong mag-isa ang hahawak sa buong mafia.

Napatingin ako sa wrist watch ko- quarter to three na. "By the way, I just want to remind you that we're going to meet Pistol later." nasabi ko na sa kanila yung tungkol sa alok ni Pistol. Nung una ay nagduda rin sila katulad ko pero gaya nga ng sabi ng iba, walang masama kung susugal ka.

"Oo nga pala, tahimik parin ba ang Malum? O baka naman may ginagawa na sila pero hindi nyo lang pinapaalam sa akin dahil busy ako?" tanong ni Bullet. Sa aming apat kasi ay sya ang pinaka-busy kaya naman kung hindi pa namin sa kanya ang mga bagay-bagay ay hindi nya pa malalaman.

Sinimangutan sya ni Heaven sabay binatukan ng mahina. "Bakit naman hindi namin sasabihin sayo? Tahimik lang naman ang Malum, nakakapagtaka na nga eh." sabi nya.

"Kaya dapat lagi tayong alert, paniguradong nag pa-plano ang mga yon kaya nananahimik sila." wika ni Louis na abala sa kakapindot sa phone nya. May ka-text ba sya? Sino? "Wala akong ka-text, nag lalaro lang akong SuperStar BTS." kahit hindi sya nakatingin sa akin ay inirapan ko sya. Edi sya na ang nababasa ang iniisip ko.

"Psh. Maligo na ang maliligo, a-attend lang ako sa meeting." sabi ko sa kanila. "Meeting for club presidents." sagot ko na kaagad dahil alam ko naman na itatanong nila kung anong meeting ang dadaluhan ko.

Wala naman talaga akong balak na um-attend sa meeting na to, pero dahil sa makailang ulit na akong tine-text ni Ms. Ravena at Ms. President ay a-attend nalang ako. Tinatadtad nila ako ng text, for pikachu's sake!

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now