FAQ

7.4K 235 28
                                    

Hi there! Heto na naman ako para sa mga panibagong Frequently Asked Questions. Yung ibang tanong ay tungkol sa personal kong buhay pero sasagutin ko parin kasi nga ang daming nagtatanong hahaha.

So, leggo?

Ilang taon ka na po, ate?
- I'm 21 :)

Ano pong course mo? Graduate ka na po ba ng college?
- Hindi ako nag college, tamad akong mag-aral eh haha joke lang. Actually mag co-college talaga dapat ako and ang course na kukunin ko ay criminology, scholar pa nga ako kaso nainggit ako sa mga tropa ko na nagta-trabaho na so ayon, at the age of 16, nagtrabaho na ako. (15 yrs old ako nung grumaduate ako ng HS)

Ano pong inspiration mo sa pagsusulat ng Badass Detectives?
- Yung totoo? Wala hahaha. Basta isang araw nalang ay natagpuan ko ang sarili ko na nag tata-type at nabuo na nga ang Badass Detectives. Wala talaga akong balak na tapusin tong story na to, pero dahil may mga bumabasa naman, ayon itinuloy ko kahit na wala naman akong story plot na ginawa hahaha. Kaya sorry kung may ilang chapters na magulo kasi sa totoo lang ay wala talagang plot to.

Talaga bang patay na si Isaac? Bakit ang bilis naman at ng pagkamatay nya?
- Actually hindi ko rin alam kung patay na nga ba sya. Nagtatalo pa yung utak ko kung patay na ba sya o hindi hahahaha.

May sarili po bang story yung mga pinsan ni Iannie? O kaya si Bullet at Capricornus?
-Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko sila. Pero siguro saka na yon, kapag tapos ko na ang adventure ni Iannie at Louis.

Si Pistol, duda talaga ako sa kanya eh, patay na ba talaga yung magulang nya?
- Patay na talaga, tumulong si Kenrick sa pagpatay (pwede nyong balikan yung chapter na yon). Nagbago na talaga si Pistol, mabait sya, promise.

Yung model na si Julz, bagong character ba sya? Sya ba ang papalit kay Heaven?
- Yes, bagong character sya. Hindi ko sasabihin kung papalit ba sya kay Heaven o hindi. Abangan nyo kung anong role nya mwehehe.

Babalik pa ba sila Iannie sa Olympus High? Anong nangyari kay Maxine?
- Babalik sila :) Si Maxine? Ewan ko don, hindi kami friends.

And lastly.....

May book po ba?
- Oo. Yes. Yups. Yeah. Pero hindi katulad dito sa book one, hindi na sila nag-aaral, may kanya-kanya na silang trabaho.

So ayan, yan na yung FAQ, kung may gusto pa kayong itanong or malaman, just message me :)

Malapit ng matapos ang Badass Detectives! Two chapters at epilogue nalang huhu. Salamat sa pagbabasa nyo :) Hindi ko talaga akalain na may magbabasa pala nito hahaha, kaya sobrang salamat talaga. Sobrang saya ko nung mag number 1 sa iba't-ibang category ang Badass Detectives, kahit na halos isang linggo lang ang itinagal non, sobrang saya ko parin haha. Salamat talaga :)

-LennieKookie

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now