Chapter 10: Killer Couple

18.6K 561 87
                                    

-

Iannie

"Let's go nameless club. Hindi natin maililigtas si Stephanie kung tutunganga lang tayo." malamig na sabi ko. "Clock is ticking, time is running, we need to move. Kung mag luluksa tayo dito panigurado bukas o baka mamaya lang ay may panibago na naman tayong pag luluksaan." dagdag ko pa.

"Eh Ms. Iannie, ano pong kinalaman namin dito? Pwede na po ba kaming umalis? Malapit na rin  po kasing mag start ang klase namin." singit nung isang lalaki.

"No. May itatanong lang muna kami sa inyo after that you can leave." sagot ni Louis. Lumakad na kami papunta sa clubroom kasunod ang apat na estudyante.

Para akong zombie na nag lalakad papunta sa clubroom. Hindi ako makapag-isip ng ayos. Saang lugar namin hahagilapin si Stephanie? Ligtas ba sya? Mas matindi pa to sa pag ka-wala ni Ms.President. Hindi ko alam na nakapasok na pala ako sa clubroom. Lutang na umupo ako at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Hey, you okay?" tanong ni Louis na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Tumingin ako saglit sa kanya at sinagot sya ng isang malalim na buntong hininga.

"Kami na ba ang mag tatanong sa mga yun o gusto mong ikaw nalang?" nakalapit na rin pala sa akin si Bullet. Shit. Bakit ba ayaw mag process ng ayos nitong utak ko!?

Hindi ko sya sinagot. Tumayo ako at lumapit doon sa apat na halata mong naiinip na at naguguluhan kung bakit sila nandito. Kung wala man sa kanila yung sumaksak kay Tiffany, maaaring nakita nila. Don't get me wrong, hindi nakita na as in nakitang sinasaksak,what I mean is doon lang kasi sa library pwedeng tumakbo or mag tago ang suspect so maaaring nakita nila ito. Wala namang masama kung mag tatanong hindi ba?

"Bakit ba talaga kami nandito!? May klase pa kami alam mo ba yun!?" tanong nung isa sa dalawang lalaking nakita kong natutulog.

"Tiffany Alegre, 20 years old, college student. Kita nyo yung mga talsik ng dugo sa labas kanina? Kanya yun. Pinagsasaksak sya sa labas ng clubroom namin,nagawa pa nyang makatakbo at makakatok dito sa pinto kaya nakita namin sya at isinugod agad sa ospital ngunit sa kasamaang palad, nagawa nyang umabot sa ospital ngunit agad din syang binawian ng buhay." panimula ko. Nakita ko sa mga mata nila ang pag ka-gulat. Mataman ko silang pinag mamasdan at inoobserbahan.

"At sa tanong nyo kung bakit kayo nandito? Nasa loob kayo ng library tama? Doon nag punta ang suspect pag katapos nyang gawin ang krimenㅡ"

"Sinasabi mo bang suspect kami?! Nang dahil lang sa nasa library kami ng mga oras na yun!?"  tanong nung lalaking naka jacket.

"Kung pinatapos mo sana ako hindi ka mag tatanong ng ganyan." pinagmasdan ko syang mabuti. Sya kaya? Hmm. Mukhang hindi. Skyblue ang color ng jacket nya kaya makikita ko kung may talsik sya ng dugo sa damit nya pero wala. Eh paano pala kung kaya sya ng suot ng jacket ay dahil sa may mga talsik ng dugo ang uniform nya?

Malalaman ko rin yan mamaya. Ipinag sa-walang bahala ko nalang muna ang mga what if sa utak ko.

"So as I was saying, nandito kayo para sagutin ang ilang katanungan. Lalo na kayong dalawa." turo ko dun sa nag-iisang babae at kay kuyang naka jacket.

"What!?/Why!?"

"Dumating kayo sa library ng about 12:40 pm, nasa gaanong oras din ng pag buksan ko ng pinto si Stephanie. Dahil malapit lang ang library sa clubroom,yun lang ang pwedeng puntahan ng suspect. At kayong dalawa at yung isa pang hindi matukoy kung sino ay pumasok din sa library ng oras na yun." tinignan ko yung babae. Kung pag babasehan ko ang itsura nya masasabi kong hindi sya yung sumaksak. Thick eyeglasses, knee-length skirt, laging nakayuko, madaming bitbit na libro- a typical nerd. Pero sabi nga nila, wag kang mag papadala sa nakikita ng mata.

Badass Detectives [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora