Chapter 26: New

14.6K 459 34
                                    

-

Iannie

Hihikab-hikab na nag lalakad kaming apat ngayon papuntang classroom, para nga kaming mga zombie. Paano ba naman kasi kami hindi magiging ganito eh halos wala naman kaming itinulog. Napasarap kasi ng tambay sa amin sila Ate Lei kaya ayon, nang matapos kaming mag dinner ay nag kayakagan na mag inuman.

Halos alas kwatro na kami natapos ng pag iinom, hindi naman kami mga lasing, panay kwentuhan naman kasi kami kaya mabagal ang naging pag inom namin. Ang kaso nga lang, nalibang kami sa oras, kaya ito, para kaming mga zombie na pinag sakluban ng langit at lupa.

Nang makapasok na kami sa room at makaupo na sa mga upuan namin ay halos sabay-sabay kaming nag yukuan. Mahirap talagang kalaban ang antok.

Papikit na sana ako ng bigla akong makarinig ng matinis na tili. Inis na napadilat ako at masamang tinignan ang bwiset na tumili. Kung masamang tao lang talaga ako matagal ko ng pinutalan ng dila tong si Maxine eh. Akala mo laging nahuhulog yung panty nya kaya tumitili. Tss.

Napalingon ako sa mga katabi ko. Kunot noong nakatingin din sila kay Maxine at halata sa kanila na inis din sila katulad ko. Sino ba namang hindi maiinis kung bigla nalang may titili ng walang dahilan diba? Sarap busalan ng bibig oh.

At lalo pang nangunot ang mga noo namin dahil tumili na naman sya at sinabayan pa ng pag talon. "Kyaaaaah! Binigyan ako ng mamahaling chocolate ng crush koooo! Kyaaaaaah!" bwiset na yan. Binigyan lang ng chocolate kailangan mag titili pa? Sino kaya sa MGA crush nya ang nag bigay sa kanya? Sa pag kakaalam ko kasi halos lahat ng gwapo dito sa Olympus eh crush ng babaeng yan.

"Ibibili kita ng pinakamahal na chocolate sa buong mundo basta manahimik ka lang!" asar na sigaw ko sa kanya. Pinagtaasan nya ako ng kilay at inirapan pa. "Duh. Hindi porke may mamahaling kotse ka ay mayaman ka na, sa pag kakaalam ko regalo lang naman sayo yon." iirap-irap nyang sabi. Mahipan ka sana ng hangin. At ako hindi mayaman? Bilhin ko kayang tong Olympus at ihampas sa kanya?

Pero syempre hindi ko bibilhin. Duh. Pwede ko naman syang hampasin ng bangko kaya bakit bibili pa ako ng school para lang maihampas sa kanya? Pati asa namang mabuhat ko yung buong Olympus.

Letche. Nang dahil sa antok kung ano-ano ng naiisip ko. Tsk.

"Oo regalo lang sakin yon, pero baka nakakalimutan mong may sarili akong kotse. At hindi lang basta kotse, MGA MAMAHALING kotse, kaya kapag pinag sama-sama mo ang presyo ng mga yon, dihamak na mas malaking pera ang nagastos ko kumpara sa perang nagastos dun sa kotse niregalo lang sa akin. Hindi kasi ako mayaman." nakangising sabi ko. Minsan ang sarap ding asarin nitong si Maxine eh.

"BURN!!!" tatawa-tawang sabi ng tatlo kong katabi. Nanggatong pa talaga. Inirapan lang ako ni Maxine at padabog ng umupo. Nakitawa na rin yung iba ko pang kaklase. Ayan, napala tuloy ni Maxine. Hindi na nadala.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakatunganga lang kaming apat habang hinihigop ang mga kape namin. Saan nanggaling to? Pinabili ni Louis dun sa dalawang kaklase namin. Hindi na rin kasi kami makakaidlip dahil ano mang oras ay dadating na si Sir Art. Absent kami ng halos isang linggo kaya naman kahit gusto naming apat na matulog ay hindi namin magawa dahil kailangan naming habulin yung lesson namin.

"Good morning class!" hindi ko namalayang nakadating na pala si Sir Art sa sobrang lutang ko. "Before we start our class, kamustahin muna natin ang naging bakasyon ng mga munting bayani natin." nakangiti nyang sabi. Medyo nakakailang yung term na ginamit nya samin, parang sobra naman ata yun.

"Sir! Nag bakasyon po sila? Saan po?" tanong ng class president namin.

"Yes. Three days and three night sila sa Mystery island." wows and ohs filled the room. Everyone is very excited to hear some story from our islandventure.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now