Chapter 51: Psychopath

10.6K 355 39
                                    

-

Iannie


Nasa bahay na ng mga Frost si Bullet at Pistol ng makatanggap kami ng tawag mula kay Tito Dan, may malalang nangyari daw sa Olympus na kailangan naming makita. Kaya nga ito, halos paliparin ko na ang kotse ko para lang makarating kaagad sa Olympus.

Malayo palang kami sa Olympus ay dinig na namin ang tunog ng sirena na nanggagaling sa truck ng bumbero. Damn. Anong nangyari? Wala naman kaming natatanaw na usok kaya walang sunog, bakit may bumbero?

Imbis na huminto sa parking lot ay idiniretso ko ang andar ng kotse hanggang sa makarating kami sa tapat ng 3rd building kung saan nandoon ang infirmary, chemistry lab,library, clubroom namin at iba pa.

"Excuse me, anong nangyari?" tanong ko doon sa nakabantay na bumbero sa entrance ng building na mukhang baguhan palang. Hindi ko alam kung bakit pero isang tingin ko palang ay nayayabangan na ako sa kanya. Siguro dahil yun sa ayaw nya kaming papasukin.

"Estudyante ka ba dito? Kung oo, bakit mo tinatanong?" tss. Pasalamat sya at hindi mainit ang ulo ko.

"Bakit ko tinatanong? Malamang hindi ko alam kung anong nangyari, tingin mo ba ay magtatanong ako kung alam ko na ang nangyari? At kami nga pala ang student detective ng school na to kaya sagutin mo ang tanong ko." pautos na sabi ko. Nasaan ba kasi si Tito Dan? Tsk.

"Student detective? Yung mga feeling na alam ang gagawin nila pero ang totoo naman ay hindi? Nako miss, kung ako sayo ay hindi na ako magsasayang ng oras ko dito. Bumalik ka nalang sa pag-aaral mo kesa maki-epal sa trabaho ng mga pulis." tatawa-tawang sabi ng bwiset na lalaking to.

Napapikit ako sa inis. Patience, Iannie. Patience. "Wala akong gana na sabihin kung ano-ano ang mga nagawa namin dito sa Olympus pero pwede bang sabihin mo nalang sa amin kung ano ang nangyari? Baka kasi mapikon ako sa iyo at maipulupot ko sayo yung hose na nakakabit sa truck." seryosong sabi ko.

"Dude,pwede bang sabihin mo nalang kung ano ang nangyari? Hindi din kasi namin makita si Inspector Dan na syang nagpapunta sa amin dito." seryosong sabi din ni Louis. Mukhang pikon na sya.

"Pinapunta kayo ni Inspector Aguilar dito?" nang-aasar na tumawa sya. "Sino naman kayo para papuntahin nya dito? Ginamit nyo pa talaga ang pangalan nya para lang malaman kung ano ang nangyaro? Hahaha."

"Kung ayaw mong sabihin kung ano ang nangyari ay papasok nalang kami." inis na sabi ko pero tumawa lang sya. Bumaling ako kila Louis na halatang pikon narin. "Sumagot na ba si Tito?" tanong ko sa dalawa.

"Hindi pa nga eh. Malamang ay busy yun sa pag-iimbistiga kaya hindi masagot ang tawag natin." sagot ni Heaven. Nang makarating na kasi kami sa Olympus ay tinawagan na namin sya pero hanggang ngayon ay hindi parin sya sumasagot. Tsk. Tapos itong lalaking to pa.

Paano kami makakapasok nito? Tsk. Sapilitan na sana akong papasok ng matanaw ko ang isang pulis na katrabaho ni Tito. "PO1 Flores!" malakas na tawag ko sa kanya na agad nya naman ikinalingon.

Naglakad sya papalapit sa amin. "Oh? Bakit hindi pa kayo dumiretso sa taas? Kanina pa kayo iniintay ni Inspector Aguilar." wika nya sa amin.

Masamang tinignan ko ang lalaking kanina lang ay pinagtatawanan kami. "Ayaw lang naman kasi kaming papasukin ng lalaking to. Tinatanong namin kung anong nangyari pero ayaw ding sabihin."

Napailing si PO1 Flores habang yung lalaki naman ay ilang beses ng napapalunok. "Tsk. Tsk. Student detective sila ng school na ito at madami ng naitulong sa amin ang mga batang yan. Ihanda mo na ang tenga mo dahil paniguradong masesermonan ka mamaya." sabi ni PO1 Flores sa kanya at pinapasok na kami.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now