Chapter 50: Monster named Venus

12.7K 367 19
                                    

-

Iannie

Pistol's parents were not at their house earlier so we grabbed that opportunity to set-up cameras, but Pistol is the only who did the work. Though pwede naman kaming pumunta sa bahay nila ng walang pasabi sa parents nya dahil hanggang ngayon naman ay hindi parin nila alam na alam na naming Mayhem si Bullet, hindi parin namin ginawa, pag hihinalaan kasi nila kami kapag ginawa namin yun.

Kahit nga si Bullet lang ang pumunta doon ay magiging kahina-hinala parin. Iyon ngang plano ni Bullet ay hindi pa kami sigurado kung mag sa-succeed pero kailangan naming sumugal. Kaya nga para masigurado ang kaligtasan ni Bullet, napagpasyahan namin na maglagay ng mga hidden camera sa halos lahat ng sulok ng bahay nila para makita ang bawat galaw at marinig ang lahat ng pag-uusapan nila.

"Are you sure in agreeing in Bullet's plan, Iannie? Bullet's life might be put in danger, I know you know that." seryosong sabi ni Louis na katabi ko sa kama. It's already 1 am but we're still wide awake,actually kanina pa kami nakahiga pero hanggang ngayon ay hindi parin kami dinadalaw ng antok.

Huminga ako ng malalim at yumakap sa kanya. "Let's just stay positive and trust them. Bullet is a smart ass, Bullet is a Nameless club's member, Bullet is a badass detective, and lastly, Bullet is a Mayhem, I know he can do it. And besides, we're also part of their 'mission', right? Let's trust ourselves, let's trust each other." I said in a gentle tone.

He hugged me back and plant a kiss on my forehead. "You're right, all we have to do is trust." he lowered his head and gave me a peck. "Let's sleep now. God knows how much I am controlling myself right now." he whispered.

"Controlling yourself? On what?" I curiously asked.

"On making a home run." diretsang sagot nya. Nanlaki ang mata ko at ilang beses na napalunok sa isinagot nya.

He's controlling himself on what!? Oh my! Dahil doon ay bigla akong napapikit ng mariin, narinig ko syang tumawa ng mahina dahil sa inakto ko. Waah! Bata pa kami para sa ganoong bagay! Ni hindi pa nga ako nakakapag eighteenth birthday! Ni hindi pa manlang kami nakaka-graduate ng highschool! Ano bang pumapasok sa utak nitong lalaking to?


"Haha. Such a cutie. Hindi ko naman gagawin, kinokontrol ko nga ang sarili ko diba? I can wait for that moment."

"Matulog na nga tayo! Antok lang yan eh." sabi ko nalang at saka muling pumikit. Gosh! May itinatago rin palang kamanyakan si Louis! Dapat palang mag-ingat ako. Baka maging batang ina ako. Tsk.

Nagising ako dahil sa isang mabangong amoy, saan kaya nanggagaling yun? Pancakes. Imposible naman na umabot dito ang amoy na yun mula sa kusina. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mga nagmumurang pandesal ni Louis. Yun ba yung amoy pancake?

Ipinilig ko ang ulo ko sa tanong na ibinigay ko sa sarili ko. Kailan pa naging amoy pancake ang abs ni Louis? Teka, abs ni Louis? Kinusot-kusot ko ang mata ko pero abs parin ang nakikita ko. Gising na naman ako diba?

"Yeah, you're wide awake." napataas ang tingin ko. Naman! Kaya naman pala abs bumungad sa akin! Naka-lean kasi sya sa headboard ng kama then nakagilid sya paharap sa pwesto ko kaya bungad na bungad ang hotter than newly baked pandesal na abs nya sa akin. "Laway mo tumutulo. Siguro kung nakakatunaw ang pagtitig kanina pa butas ang tyan ko." tatawa-tawang sabi nya.

Napairap ako at mahinang sinuntok ang pinagmamalaki nyang abs. "Dream on, Louis." tanging nasabi ko nalang. Aminado naman akong ang sarap titigan ng abs nya, pero hell! Hindi ko sasabihin sa kanya, ano sya sineswerte?

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now