Chapter 55: Imperial

10.3K 334 32
                                    

-

Iannie

Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong bumyahe sakay ng isang pampublikong eroplano ay ang mga bastos na pasahero. Hindi ko naman nilahahalat, but imagine, minsana nalang akong sumakay sa public airplane pero lagi pa akong nakakasaksi ng ganon. Nandyang sisigawan ang flight attendants, mag rereklamo tungkol sa isang bagay na hindi naman karekla-reklamo at kung ano pa.

At dahil nga pakialamera ako,napapaaway ako. No, inaaaway ko sila. Hindi ako uupo lang at papanoorin ang kagaguhang ginagawa nila. I always say that I don't care but deep inside, I care. A lot.

Katulad nalang ngayon, kanina pa ako nabibwiset sa pasaherong nasa likod ko na akala mong sya ang may ari nitong eroplano. Kanina pa nya pinuputakan yung kawawang flight attendant,bakit daw hanggang ngayon ay hindi pa umaalis ang eroplano. Gago lang? Ano palakad nya tong eroplano? Tsk. Naturingang nasa first class ayaw gumamit ng utak. Kesyo male-late daw sya sa business meeting nila. Tsk.

Hindi ko na napigilan ang inis ko. Tumayo ako at hinarap ang babaeng kanina pa putak ng putak. "Excuse me, but can you please shut up? May iba kang kasama dito sa eroplano na kanina pa nabi-bwiset sa ingay ng bunganga mo, at nangunguna na ako doon. Nasa first class ka, kanina rin ay sinabi mong may pupuntahan kang business meeting kaya masasabi kong isa kang negosyante, at mukha ka ring mayaman, pero bakit ganon? Bakit ayaw mong gamitin yang utak mo? Hindi porke nasa pinakamahal na travel class ka ay ikaw na ang masusunod sa eroplano. May oras na sinusunod ang pag alis ng isang eroplano,hindi ito private plane na kung anong oras mo gustuhin ay aalis. Naiintindihan mo naman siguro ang punto ko." kalmadong sabi ko.

Tinaasan ako ng kilay nung babae, sa tantya ko ay nasa mid-twenties sya. "At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Baka hindi mo ako nakikilala, anak ako ng may ari ng Caparas Housing Real State. Oh, mukhang hindi mo nga ako kilala, well, sorry to tell you Ms. Whoeveryouare, kilalanin mo muna ako bago mo ako pagsalitaan ng ganyan dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." nakangising sabi nya.

Nice. Akalain mong anak pala sya ni Mrs. Caparas? Parang kagabi lang ay sinuntok ko yung isa pang anak ni Mrs. Caparas sa mukha. At parang kagabi lang din ng halos mag makaawa na sa akin ang ina nya huwag ko lang i-pull out ang stocks at investments ko sa kompanya nila. What a really small world.

"Ano? Speechless ka dahil maling tao ang binagga mo? Sabi ko naman saㅡ"

"Nah. Don't conclude too much, Ms. Caparas. I'm just thinking if I'm going to continue pulling out all of my stocks and investments on your company. By the way, I am Iannie Mayhem, major stock holder of Caparas Housing Real State. And oh,I am not sorry for not knowing you,actually I'm thankful. Ang katulad mong tao ay hindi ko dapat nakikilala dahil wala ka namang kwenta." nakangising sabi ko.

Rumihistro ang gulat sa mukha nya kaya lalo akong napangisi. "Bago mo ako sabihan na kilalanin ka ay kilalanin mo muna ako. I can crush your company in just a snap, don't you know that? Now, shut your filthy mouth and wait for the plane to fly." bumaling ako doon sa flight attendant na kanina pa humahangang nakatitig sa akin. "Do you have a pen and a paper?" tanong ko sa kanya.

Nagmamadalig kumuha sya ng itinanong ko at akmang ibibigay nya na ito sa akin ng pigilin ko sya. "Write your complete name first at the top part of the paper." wika ko na kaagad nya namang ginawa. Nang matapos sya ay kinuha ko ang papel at ako naman ang nagsulat.

Ninong Cody, it's me, Iannie. Give her a bonus, the name written above. She's a great employee.

Isinulat ko rin ang pirma ko para maniwala si Ninong. Muli akong bumaling sa flight attendant. "Can you go give this to the pilot?" tanong ko. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha nya kaya naman nginitian ko sya. "Don't worry, wala akong masamang isinulat dyan." sabi ko sa kanya.

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon