Chapter 29: OH Night

15.2K 456 41
                                    

-

Iannie


Ilang linggo kaming pahinga sa mga mabibigat na kaso. Walang murder, homicide, robbery o kung ano pang kaso na required ang masusing pag-iimbistiga. Chill lang ang mga nag daang linggo sa amin. May mga kaso pa rin idinudulog sa amin pero gaya nga ng sabi ko kanina, hindi iyon mabibigat na kaso.

Ilang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasabi sa akin ni Lindsay ang dahilan kung bakit sya nandito sa Olympus. Hindi ko rin naman sya natatanong ulit dahil alam kong busy sya. Ikaw na ang maging teacher and at the same time mafia. Hindi madaling pag sabayin yon.

"Ms. Iannie!" kunot noong lumingon ako sa hindi pamilyar na boses. Nananakbo palapit sa amin ang babaeng may ari ng boses. Kahit ang mukha nya ay hindi pamilyar. Sino sya?

"Uy, sino yon?" tanong ni Heaven sa akin. Kaming dalawa lang ang mag kasama ngayon, kanina pang tanghali wala yung dalawa. Half day lang kasi kami, at pag tapos ng huling klase namin ay nag madali ng lumabas yung dalawa, tinatanong namin kung saan pupunta pero hindi sumagot. Bahala sila.

"Ewan." kibit balikat na sagot ko habang nakatingin dun sa babae. Hinihingal sya ng tumigil sya sa harapan namin. Pinagtitinginan nga sya ng mga tao dito sa mall. Oo, nasa mall kaming dalawa ni Heaven.

"Ms.Iannie, Ms. Heaven..." habol hininga nyang sabi.

"Do I know you?" tanong ko. Inayos nya ang sarili nya at huminga ng malalim. Mukhang matanda lang sya sa akin ng isang taon. Sino kaya sya at anong kailangan nya sa akin?

"Ako nga pala si Camilla De Claro. Schoolmate tayo, pero ahead ako sa inyo ng one year." pakilala nya. Muli syang huminga ng malalim at nag patuloy. "Ahm. Myembro ako ng theatro, ako ang gaganap na lead actress sa play namin. Gaganap ako bilang isang detective. Uhm... wala akong alam tungkol sa mga detective, nag try na akong mag research pero kulang pa rin..." dagdag nya. Mukhang nahuhulaan ko na kung anong pakay nya.

"Gusto mong tulungan ka namin, tama ba?" singit ni Heaven. Aba, naunahan nya ako.

"Uhm.. Oo, kung papayag lang naman kayo." may pag aalinlangan nyang sagot.

"Kung mag papaturo ka sa amin kung paano maging isang detective ay mahihirapan ka. I suggest na pag aralan mong mag-isa kung paano maging isang detective." wika ko.

Napakagat labi sya at yumuko. "So...Hindi ka pumapayag?" malungkot nyang wika.

"No, no. Pumapayag kami. Ang ibig nyang sabihin ay ikaw mismo ang umalam, pag-aralan mo kami. Sumama ka sa amin kapag may iniimbistigahan kaming kaso, kailangang makita mo ng personal ang ginagawa namin." paliwanag ni Heaven. Napatingin sya sa amin dalawa at bakas ang tuwa sa mukha nya.

"Yeah. Dahil kung tuturuan ka namin, ang tanging malalaman mo lang ay kung ano ang mga hakbang na ginagawa namin, hindi ang kung paano namin iyon ginagawa. Mas magandang alam mo kung paano kami kumilos." dagdag ko.

Halos mapatalon sya sa tuwa. Nakailang pasalamat sya sa amin, akala ko nga hindi na matatapos. "Maraming salamat talaga Ms. Iannie at Ms. Heaven! Maaari na ba akong mag simula bukas?" tanong nya.

"Sure. Welcome ka sa club namin anytime." nakangiting sagot ni Heaven. Nag paalam na sya sa amin kaya naman itinuloy na namin ni Heaven ang pag iikot.

"Bili na tayo ng dress!" masayang yakag ni Heaven sa akin sabay higit sa akin papasok sa isang boutique. Kumunot ang noo ko. Bibili na kami ng dress? Bakit? Para saan?

"Base sa pag kunot ng noo mo, hindi mo alam kung bakit kita niyakag na bumili ng dress, tama ba?" nag le-level up na talaga si Heaven sa pag o-obrerba. Tumango ako dahil hindi ko talaga alam kung saan gagamitin ang dress.

Badass Detectives [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن