Chapter 28: Affluent robbers [2]

13.5K 438 16
                                    

-

Iannie

Bumubuo kami ng panibagong plano para mas mapaaga ang pag huli namin sa mga mag nanakaw na yon. Hindi na kami mag hihintay pa ng ilang araw. Naturingang mga mayayaman, nag nanakaw pa. Hindi pa ba sila kontento sa mga pera, mamahaling gamit, masasarap na pag kain at magandang buhay na meron sila? Bakit kinakailangan pa nilang mag nakaw?

Mayroon naman sila ng mga ninanakaw nila, baka nga higit pa. Kaya ano ang dahilan kung bakit nila yon ginagawa? Ano yun katuwaan lang nila? Aba, ibang klase pala sila kung katuwaan lang nila yon. Eh pano pala kung seryoso na sila? Pag patay na ang krimen na gagawin nila?

Sigurado na kami na ang ka-myembro nga ni Rodalyn sa D'elites ang kasama nyang mag nakaw. At syempre, sigurado na din kami na kasama si Rodalyn sa grupo ng mag nanakaw na yon dahil sa ilang CCTV footage na hawak namin.

Nag lagay pala si Bullet ng ilang camera sa paligid ng shop nila Ate Lei, at nakuhanan ng mga camera na inilagay ni Bullet si Rodalyn na pumasok sa loob ng shop ng mga bandang ala una ng madaling araw. Sa bintana sya ng banyo dumaan para makapasok sa loob. Kung ano man ang ginawa nya sa loob ay hindi na namin  iyon nakita, pero ang sa tingin namin ay tinignan nya ang form na pinunan ni Louis na nag lalaman ng mga pekeng impormasyon tungkol sa amin. At mukhang sya rin ang dahilan kung bakit walang CCTV camera doon sa office nila. Maaaring mayroon talagang CCTV don pero sinira nya.

Mayroon din kaming hawak na ebidensya na kasabwat nya ang mga ka-myembro nya sa pag nanakaw. Matapos kasing lumabas ni Rodalyn sa shop ay nag lakad sya ng mga ilang metro bago sya tumigil sa isang grupo ng tao na nakasandal sa isang van, ang mga taong yun ay ang mga ka-myembro nya gang nila. At syempre, credits ang lahat ng ebidensya namin kay Bullet at sa mga camera nya. Kung wala ang mga yon, wala pa sana kaming hawak kahit isang ebidensya.

At ngayon, papunta kami sa mansyon ng mga Montefalco para sabihin kay Ate Lei at sa mga kaibigan nya ang mga nalaman namin. Nasabi ko na dati na si Ate Lei ang pinakamataas sa aming lahat na mga mafia, pero ang tungkol sa boyfriend nya ni si Kuya Xander ay hindi pa.

Si Kuya Xander ang may hawak sa lahat ng registered gangster, hindi ko alam ang istorya kung paanong nangyari na sya ang naging tagapagmana ng posisyon, basta ang alam ko lang ay sya na ang ruler ng gangster department. At dahil sya ang ruler, dapat nyang malaman ang mga nalaman namin. Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit, basta kailangan nyang malaman.

"Tangna! Kinakabahan ako!" tinignan ko ang repleksyon ni Bullet sa salamin. Pinagpapawisan sya kahit na nakabukas ang aircon ng kotse. "Bakit ka naman kinakabahan?" kunot noong tanong ko.

Tumingin ulit ako sa salamin para tignan si Heaven, panay ang kagat nya sa labi nya at hindi mapakali. Lumingon din ako kay Louis, kanina pa tina-tap ang paa nya at panay ang lunok. Bakit ba lahat sila ay mukhang balisa?

"Hindi mo ba nakita yung lalaking may nakasukbit na mahabang baril sa balikat nya? Ang sama ng tingin sa atin!" patanong na sagot ni Bullet.

"Feeling ko nga kahit na tinted tong salamin ng kotse mo eh tumatagos yung tingin nya at nakikita tayo." komento naman ni Louis.

"Wag na kaya tayong tumuloy? Malayo palang tayo sa mansyon nila sobra na ang kaba at takot na nararamdaman ko. Ang daming nakakatakot na lalaki dito." tinuro nya pa yung isang lalaki na madadaanan namin, may hawak din syang AK-47. Kung siguro ay hindi ako lumaking napapaligiran ng mga patalim at baril ay katulad din ng reaksyon na ang reaksyon ko.

"Makakalabas pa ba tayo ng buhay dito? Baka hindi pa tayo nakakapasok sa gate nila Ate Lei, good bye earth na tayo." dagdag pa ni Heaven.

Napatawa ako ng mahina at bahagyang umiling. "Kasama nyo ako, at isa pa, kilala na kayo ni Ate Lei kaya bakit naman kayo matatakot?" binuksan ko ang bintana ng kotse at bahagyang inilabas ang ulo ko para makita ako ng hunter na nakabantay sa gate.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now