Chapter 24: Islandventure [3]

14K 437 9
                                    

-

Louis

Hindi naging mahirap ang pag hahanap namin sa 'secret door' or 'secret passage'. Actually inabot lang kami ng ilang minuto dahil sa matalas na pandinig ni Bullet. Narinig nya kasi na sinabi ni Iannie na ipadyak daw yung paa at kapag nag bago ang tunog, yun na ang hinahanap namin. Idagdag pa na mas maliit ang kitchen kesa sa living room.

Nauna akong bumaba, at dahil madilim,wala akong makita. Nang makababa na yung dalawa, na syang may hawak ng flashlight ay saka lang kami nakakita.

"Library?" sabay-sabay pa naming sabi. Yeah. Library nga itong lugar na to pero lima lang ang book shelves.

Nilibot namin ang buong kwarto,bukod pala sa libro ay meron din mga papel na naka envelope at folder, mga files ata. Mukhang ito ang hinahanap nila Rhaiu na mga files.

"Kung nandito ang mga files, ano kayang nandoon sa isa pang secret room?" tanong ni Heaven.

"WHAT THE HELL?!"

Nag katinginan kaming tatlo at mabilis na umakyat upang makalabas. Tumakbo na kami papunta sa living room para malaman kung ano ang nakita nila Iannie.

Bumaba kami sa hidden room na kinaroroonan nila Iannie. Napatalikod agad si Heaven ng makita namin ang mga kalansay na nag kalat dito. Mayroon pang dalawang kalansay na nakagapos sa pader. Hindi lang mga kalansay ang nandito, iba't-ibang klase ng kutsilyo, lagare, latigo at kung ano-ano pa ang nandito. In short, mga bagay na ginagamit pang torture ang nandito. Kung hindi nyo pa rin makuha ang eksaktong itsura nitong kwartong to, try nyong panoorin yung palabas na hostel, ganon na ganon ang itsura ng kwartong to.

"Tao pa ba ang gumawa nito sa kanila?" hindi makapaniwalang tanong ni Iannie. Bakas ang galit sa boses nya, kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya alam kong naka tiim bagang sya. Miski naman ako ganon din ako ngayon. Hindi tao ang gumawa nito.

"Bullet, ilabas mo muna dito si Heaven. Doon muna kayo sa kwarto." sinunod naman ni Bullet ang sinabi ko. Inalalayan nya si Heaven na umiiyak na hanggang sa makalabas na sila sa mala-purgatoryo na lugar na to.

"Imposibleng hindi naaamoy to ng dating care taker." komento ko.

"Hindi nya talaga to maaamoy dahil ang sabi nya sa amin ay minsan lang naman daw sya kung papasukin ni Henry sa rest house dahil meron daw pinapadalang tao si Henry upang mag linis dito." sagot ni Rhaiu sa akin.

"May pinapadala syang nag lilinis dito? Kung ganon ang mga taong yun ay alam ang kademonyohang ginawa ni Henry?" tanong ni Iannie.

"Malamang yon. Pero paano nyo pa mabibigyan ng hustisya ang mga babaeng walang awang pinatay kung ang mismong pumatay ay patay na?" tanong ni Rhaiu.

"Leave it to me. Now you can call this mafioso and detectives collaboration. They play dirty? We'll play dirtier." nakangising sagot ni Iannie. Ano kayang binabalak nya?

"Louis, anong meron sa isa pang secret room?" tanong nya. "Mini library. Madami ding files don, yun na ata yung hinahanap nyo Rhaiu." sagot ko.

"Mga files? Sigurado ka?"

"Yups. Yung isang binuklat ko may nakalagay na annual income ng Amaluma. Tignan nyo don dude, ang dami nga eh." sagot ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now