Chapter 44: Rescue

13.2K 372 35
                                    

-

Iannie

I don't regret trusting her because I don't regret the things I did wrong. Yeah, trusting her is wrong, a fvcking big mistake. I do regret, yes, but I only regret the good things I did for the wrong people.

Isa sa pinakamaling nagawa ko ay ang maniwala na lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ay aalagan at bibigyang importansya ang tiwalang ibinigay ko sa kanila. Damn. Handa pa naman akong saluhin ang balang tatama sa kanya wag lang syang masaktan, buti nalang at nalaman ko kaagad na isa rin pala sa mga gustong bumaril sa akin kapag nag karoon ng pagkakataon.

Napangisi nalang ako sa kabila ng panibagong kagaguhan na nalaman ko. Hay buhay. At least I learned a lesson. And that is to make sure that everyone in my boat is rowing and not drilling holes when I'm not looking. From now on, I'll be more careful on giving my trust to others, or maybe I will not give my trust to others again.

"Hey, are you sure you're fine?" panglimang tanong na ni Louis.

Ngumisi ako sa kanya. "When I'm good, I'm very good. But when I'm bad, I'm better." kumunot ang noo nya dahil sa isinagot ko sa kanya. "I'm fine. I'm not talking but I'm fine, I'm just torturing Rose...or should I call her Rossa? Whatever her name is, I'm torturing her in my mind." seryosong sabi ko.

"Ilang beses mo na ba syang napatay sa isip mo, sis?" lihim na napangiti ako sa itinawag sa akin ni Bullet. Dad pull some strings, imbis na next week pa namin malalaman yung result ng DNA test ay nalaman na namin agad ito kanina. 3 hours lang ata ang inintay namin then ayon na, nakuha na namin yung result. Naasikaso na rin nila Kendall yung pag papalit ni Bullet ng lastname, and yeah, me and Bullet are now officialy siblings. He is officially a Mayhem.

"More than 50 times na."  tumayo ako at sumilip sa labas. Nang makita kong hindi pa papadating sila Rhaiu ay tumingin ako sa kanilang tatlo. "Any plans? Sasabihin ba natin sa kanila ang nalaman natin or hindi?" ang tinutukoy ko ay yung tungkol sa pag-uutos ni Rossa or Rose na atakihin sila tito.

"Ano bang gagawin nila sa rosas na yon kapag sinabi natin sa kanila?" tanong ni Bullet. Gusto ko sana syang tawagin na kuya pero ayaw nya, nakakabawas daw sa kagwapuhan nya. Psh.

"They will kill her. Lalo na kapag nalaman to ni Lindsay? Pag sisisihan ni Rose na nabuhay pa sya. She is known as a silent killer but Lindsay transforms into a ruthless monster when her love one is hurt." that's Lindsay.

Napangiwi silang tatlo. "Wag na muna nating sabihin. Let's make plans first kung paano natin sya mahuhuli ng akto." suhestyon ni Louis.

"Do you guys agree?" tanong ko sa kanila. Kumunot ang noo nila at nag tatanong ang mga tingin na ibinigay sa akin. "Syempre kailangan ko rin ang opinyon nyo." wika ko.

"But you're the master planner. Ikaw dapat ang nag dedesisyon." kontra ni Bullet. Tumango-tango yung dalawa na para bang sinasabi na 'oo nga'.

Tumalikod ako sa kanila at nag-isip. Kung sasabihin ko kila dad na alam ko na kung sino ang may pakana ng nangyari kila tito ay papatayin nila si Rose- na ayokong mangyari. I maybe use my heart less but I'm not heartless. Kung hindi ko naman sasabihin at hahayaan lang sya na mag pagala-gala na parang hindi kriminal ay baka madami pa syang maisunod. Di bale sana kung mahuhuli namin sya kaagad.

Tama. May plano na ako. Hindi aktwal na plano kung paano sya mahuhuli, plano to para sa kanilang lahat. Ang kumagat, huli.

Ngumisi ako at humarap sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at hinihintay ang kung ano mang sasabihin ko. "I agree to Louis' suggestion, and I already have a plan." nakangising wika ko.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now