Chapter 61: Mystery of Mystery Island

12.4K 387 78
                                    

-

Iannie


Agad na napangiti ako ng makita ko ang isang palumpon ng rosas na gawa sa tsokolate, nakatapatong dito ang isang nakatuping papel. Ano na naman kayang pakulo ni Louis?

Ngiting-ngiti na kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat doon.

Good morning, babe! How's your sleep? Pinagnasaan mo ba ako sa panaginip mo? Kidding aside, I'm here at the kitchen, cooking our breakfast. I love you.

Pinagnasaan? Tss. Kalokohan nya talaga. Iiling-iling na inilapag ko ang papel at bumangon na sa kama. Dumiretso ako sa banyo upang ayusin ang sarili ko at pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina.

Ano kaya ang niluluto ng isang yon? Sana naman ay hindi nya masunog ang kung ano mang niluluto nya, at mas lalong huwag nya sanang masunog ang kusina namin. Paniguradong magagalit si mommy kapag nangyari yon.

"Hey,dad. Good morning." sabi ko at hinalikam sya sa pisngi. "Yo, Bullet, Pistol,Capricornus and cousins. Bakit nandito kayong lahat?" nagtatakang tanong ko. Lahat kasi sila ay nandito sa dining area.

Hindi naman sa hindi ako sanay na makita silang magkakasama sa lamesa, pupunta lang naman kasi ang mga yan dito kapag nakahain na ang pagkain kaya naman nakakapagtaka na nandito na sila kahit na wala pang kakainin.

"Nagluluto daw ng agahan si Louis, e mukhang masarap kasi ang bango-bango kaya heto, hinihintay namin na maluto yung nililuluto nya." sagot ni Kenford na abala sa paglalaro ng mobile legends.

Biglang may pumasok na tanong sa isip ko. "Kung nandito kayong lahat, ibig sabihin ba nyan ay walang kasama si Louis sa kusina?"

"Yups. Don't worry, sis, mukhang hindi naman nya masusunog yumg kusina natin. Mabango yung amoy ng niluluto eh."

Nag kibit balikat nalang ako at umupo sa tabi ni Bullet.

Abala ako sa pagbabasa ng trending news sa internet ng may maglapag ng hot chocolate mula sa likod ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung kanino iyon galing. Sa amoy palang kilalang-kilala ko na kung sino.

"Maganda ka pa sa umaga, babe. Mag hot chocolate ka muna habang nagluluto ako ng almusal para sa nag-iisang prinsesa ko at para sa mga taong mahalaga sa kanya na mahalaga rin sa akin. Mahal na mahal kita." automatic na napangiti ako sa mga ibinulong nya sa akin.

Bakit ba ang sweet ng lalaking to?

Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa labi. "Mahal na mahal din kita kahit na minsan manyak ka." wika ko matapos ang halik na pinagsaluhan namin. "Iniwan mo yung niluluto mo doon, baka masunog yon."

"Oh crap!" nagmamadaling nanakbo sya pabalik sa kusina at nakangiting napailing nalang ako dahil don.

"Kailan ba ang kasal, Iannie? Ang tamis ng halik na yon ah. Magkaka-apo na ba ako?" seryosong tanong ni daddy.

Nanlaki ang mata ko. Fvck. Bakit ba nakalimutan ko na kasama nga rin pala namin si daddy? Oh fvck! Damn!

"Dad, it's just a kiss." tipid na sagot ko at tumingin kay Bullet, nanghihingi ng tulong.

Kinindatan ako ni Bullet at inakbayan si daddy. "Hey,dad, there's nothing to worry about. Louis promised to me that he and my lil sis will never do that 'thing'. Chill ka lang dad. Lalaking kausap yang si Louis at ginagalang nya si Iannie. Hanggang halik at yakap lang si Louis kahit na parang nag li-live in na silang dalawa, gagawin lang nila ni Iannie ang bagay na yon kapag tapos na silang mag-aral ni Iannie at mayroon ng trabaho." salo sa akin ni Bullet. I mouthed 'thank you' to him. Buti nalang talaga at nandito si Bullet.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now