Chapter 25: Unexpected Visitors

15.4K 442 34
                                    


-

Iannie

Mag kaibang-kaiba talaga ang hangin sa syudad at probinsya, parang gusto ko tuloy ulit bumalik dun sa isla. Yups, nakaalis na kami sa isla, balik-syudad na ulit kami. Tapos na ang short vacation namin, aaminin ko, sobra akong nag enjoy kahit na may komplikadong kaso kaming nadiskubre doon. Kahapon, which is our last day doon sa island, wala kaming ginawa kundi mag enjoy lang. At mukhang na-sobrahan ata kami sa pag e-enjoy dahil eto, lahat kaming apat ay na sunburn.

"Ang gwapo ko pa rin pala kahit tan na ako no?" at kanino pa ba manggagaling ang nag uumapaw na self confidence na yan?

"Oo, kamukha mo na nga si Rudolph. Ang pula ng ilong mo dude. Hahahaha." pang aasar ni Louis sa kaibigan namin na sumambot sa lahat ng isinabog ni God na self confidence sa buong mundo.

At nag simula na naman ang bangayan ng dalawang isip batang lalaki. Ayon, nag hahabulan na sila ngayon sa hallway ng mansyon. And yes,we're at our mansion. Dito na kami dumiretso dahil na rin sa request nilang tatlo. Miss na daw kasi nila yung mga pinsan kong medyo may tama sa utak. Hindi ko nga alam kung anong pang gagayuma ang ginawa ng mga pinsan kong yon kila Louis, close na close na kasi silang lahat.

Lalo na si Bullet at Kendall, palibhasa parehas hacker kaya ayon, kahit na nung nandoon kami sa isla ay feeling ko kasama na rin namin si Kendall dahil kapag nasa villa kami ay lagi silang mag ka-video chat. Feeling ko nga may nabubuo ng bromance don sa dalawang yon.

"Hi couz! Hi Heaven! You're with your squad? Are you with Louis? Where is he?" sunod-sunod na tanong ni Kenford sa akin.

"Tignan mo dyan sa hallway, nag hahabulan sila ni Bullet." si Heaven na ang sumagot para sa akin. Naramdaman nya siguro na wala akong balak sagutin si Kenford. Tinatamad akong mag salita eh, magagawa ko?

Narinig kong nag pasalamat si Kenford kay Heaven bago sya lumabas ng kwarto ko. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay bumukas na naman ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa non ang pinsan kong si Marisha na ang lapad ngiti.

"My prettiest cousin, pwedeng mahiram muna si Heaven? Mag shopping kami saglit." nakangiting paalam ni Marisha. Ipinupungay-pungay pa yung mata nya. Mukhang tuta.

"Tsk. Bakit ba mga kaibigan ko ang trip nyo ha? Wala ba kayong sariling kaibigan?" medyo inis na tanong ko sa kanya.

"Please naaaaa...Pasasalubungan nalang kita. Pleaseeeeee..."

"Tss. Susuhulan mo pa ako? Sige na. Basta saglit lang kayo okay? 7pm dapat nandito na kayo."  pag suko ko. Kung hindi pa kasi ako papayag eh tatalunin ako nan ni Marisha dito sa kama at yayakap-yakapin ako para lang pumayag ako.

"Seven thirty." aba! Talagang humirit pa. Pumayag na nga ako eh. Abusado amp.

"7 PM SHARP. SHARP ha? Hindi 7:05 hindi 7:15." matigas na sabi ko. Dumampot ako ng isang unan at ibinato sa kanya. "Labas na. Baka mag bago pa ang isip ko." at ayon,halos kaladkarin nya na si Heaven palabas. Napangiti at napailing nalang ako.

Tumayo ako at ni-lock ang pinto, baka may pumasok na naman kasi, maistorbo pa ako sa gagawin ko.

Pumasok ako sa banyo at ibinaba ang nakasabit na medicine cabinet. Walang mag hihinala na may vault dito kaya dito ko ito nilagay. Sino ba naman ang mag hihinala na may itinatago akong vault sa loob ng banyo?

Kinuha ko ang isang envelope. Ang laman nito ay puro tungkol lang sa Malum. Mga krimen ng walangyang Malum na yon ang gumawa at ilang mga krimen na hinihinala kong Malum din ang may pakana.

Badass Detectives [COMPLETED]Where stories live. Discover now