Prologue.

15.4K 332 65
                                    

14:03 – 14:33

Ni: CorrectionFluid

Matagal ko na siyang mahal.

 

LAGI ko tong sinasabi sa kanya kapag nagkikita kami. Sinasabi ko to sa kanya pag alam kong pinanghihinaan siya ng loob. Sinasabi ko to sa kanya pag alam kong nawawalan na siya ng pagasa.

At pag alam kong gumuguho na naman ang mundo niya.

 

Ewan ko, pero pag sinasabi ko na yan sa kanya, ngingiti lang siya tapos tatahimik na. Magsasalita siya na parang walang nangyari, na parang hindi siya nalulungkot kani – kanina lang. Magku – kwento siya ng kung anong nangyari sa araw niya sa buong maghapon. Iinisin na niya ulit ako. Tapos, gagawa siya ng paraan para ako naman ang mapatawa niya.

Ganyan lang kaming dalawa.

May mga nagsasabi nga sakin na TANGA raw akong maituturing.

Alam niyo ba kung anong sagot ko sa kanila?!

Kung SIYA naman ang mamahalin ko, ayos lang kahit isang milyong beses pa kong maging TANGA.

Masisisi niyo ba ako?!

ITO lang ang alam kong paraan para makasama ko siya. Para malaman niyang kahit ano pang mangyari, lagi lang akong nasa tabi niya.

Para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Pero bakit nga ba ako naging tanga?!

Tanga raw ako dahil sa dinami – rami naman ng taong itinitibok ng puso ko, SIYA pa. Nagmamahal ako sa isang taong kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi ako mamahalin. Sa isang taong kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi ako lilingunin. Sa isang taong kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi tutugon sa nararamdaman ko.

At sa isang taong kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi magiging akin.

14:(0)3 - 14:(3)3On viuen les histories. Descobreix ara