Chapter Thirty Nine

2.3K 78 20
                                    

Marie

Sabi nila, when you're dying, nagfa-flashback sa utak mo ang mga masasayang alaala. It'll come in rewind with the series of loops, hanggang sa mawala ang lahat. Then what's next? Anong mangyayari?

Ibig sabihin ba nito, patay na ako?

Ang bilis. Ni wala pang bed scene na nangyari sa amin ni Mauricio. 'Di ko man lang siya natikman. Hays.

Marie!

Ano 'yon? Sino yung naririnig ko?

Anak, gumising ka na, miss ka na namin.

Si Tatay? Boses 'yon ni Tatay! Anong nangyayari?!

Marie!

Si Ate!

Mula sa kadiliman, I tried to open my eyes. Mahigpit, masakit. Pilit kong idinilat ang mga mata ko hanggang sa bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Umiikot ang paningin ko.

“She's awake!”

Ilang segundo ang lumipas at unti-unting luminaw ang paningin ko. Napatingin ako sa paligid. Puting kama, puting bed sheets, mga oxygen tank at iba pa. Nasaan ako? Hospital?

Ah, hindi pa ako patay. Hindi pa ako pa—

Teka. Sila Mauricio!! Nasaan sila?!

Sinubukan kong gumalaw ngunit sumakit ng matindi ang ulo ko. I saw my sister rushing to me. Anong ginagawa niya dito? Pinapunta ba siya nila Mauricio?

“Marie? Marie ayos ka lang ba?” Bakas ang pag-aalala sa tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus ay niyakap siya. Napansin ko na nandito rin si Tatay.

“Marie, anak..”

I hugged them both while i'm crying because of the pain. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

Takbo Marie! Takbo!”

“P-please save him.. Si Calixto.”

“Ops, HAHAHA.”

I woke up again. Maayos na ang pakiramdam ko. Nakahawak sa magkabila kong kamay sila Tatay at Ate. Napansin ko din ang benda sa ulo ko at mga ilang pasa sa kamay at braso.

“Oh, Marie, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?” rinig kong tanong ni Ate.

“A-ayos lang Ate,” nanghihina kong sagot. Medyo paos pa ang boses ko sa hindi ko alam na dahilan.

“Nasaan sila?” agad kong tanong sa kanya. Gusto ko silang puntahan. Sila Pat, Fanny, Fieath. Sina Caliyah at Kail, Jake, Hunter at Lucifer. Si Calixto, at si Mauricio. Ayos lang kaya sila? Natalo ba namin si Arcane?

“Sinong sila?” naguguluhang tanong ni Ate. Nangunot ang noo ko.

“Sila Pat? 'Yung mga nagdala sa akin dito.”

“Ha? Okay ka lang ba Marie?”

Pumintig ang puso ko. “Ayos lang ako Ate. Pero bakit? Anong meron sa tinanong ko?”

Diary ng Walang PantyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang