Chapter Three

7.9K 232 7
                                    

Marie

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Pero syempre sure ako naglakad at sumakay ako ng jeep. Ay, ewan.

“Oh anak? Kumusta ang awdisyon?” rinig kong tanong ni Nanay pagka-upo ko sa kahoy na sofa. Bahagya pa akong napahinga ng malalim sa labis na pagod.

“Ay? Contest lang nay? Interview ho.”

“Pagpasensyahan mo na ako. Kumusta nga?” Napangiti na lamang ako ng kaunti at muling sumagot.

“Ayos lang naman. Kahit na may nakakahiyang nangyari.

“Ha? Ano yung sinabi mo?” Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling sa kanya.

“Ah w-wala po. Hehe.”

Pabulong kong sinabi yung last part. Mahirap na. Ang ganda ko pa naman. Bwisit talaga yung lalaking 'yon. Tsk.

Nagbihis na lang ako at hinubad 'yung malas na panty sabay lagay nito sa planggana. Nang ma-feel ko man lang ang hindi malasin ngayong araw.

Hanggang ngayon, nabibwisit pa rin ako. Bakit kasi sa dinami-dami ng araw ng kamalasan ang nangyari sa buhay ko noong nagsuot ako ng panty ay nag suot parin ako kanina? Pwede namang magsinungaling ako kay Nanay.

At least 'yun diba, safe. Walang mahuhulog. Huehue.

“Nak, may bisita ka.”

“Sabihin niyo nay bukas na sila manligaw. Gabi na ho.” Yes, gabi na. Hindi ko alam kung paano. Hindi naman 'yun tinuro ng teacher namin. Basta ang alam ko lang gravity ng earth ay 9.8 m/s². Ganda ko talaga.

“Ay nak? Hambog? Lumabas ka na diyan.” Makabara naman 'to si Nanay, daig pa 'yung mga baklang nagpe-perform sa comedy bar.

“Sino ho ba 'yan?” tanong ko. Nagmo-monologue ako dito eh. Panira ng mood.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa sala. May nakita akong tatlong babae sa pintuan. Hindi ko pa sila nakikilala kasi nakatalikod sila sa akin. Baka magnanakaw 'tong mga 'to. Astig nila ah, siguro hihingi muna sila ng permiso bago magnakaw. Well, ganyan naman dapat.

Kinatok ko ang dingding sa gilid bago nagsalita. “Sino ho sila?”

Sabay silang humarap na tatlo kaya bahagya akong napaatras. Nakakagulat naman 'tong mga 'to! Pwede namang isa-isa humarap, kailangan talaga sabay? Bwisit.

“Hi bes!!! Hindi mo na kami nakikilala? Ako to si Jongga!” sabi nung unang babae na nasa kaliwa. Nangunot ang noo ko at tiningnan siya ng mabuti. Pamilyar ang itsura niya ha.

“Familiar? Pero wala akong kilalang Jongga. Baka namali ka lang ng bahay,” sagot ko.

Bumusangot siya at tinampal pa ang braso ko. Aba! “Charot. Ako 'to, si Pat!!”

Pat? Patricia Deguzman? Kahit na magkamukha sila, pakiramdam ko nagpapanggap lang 'to.

Sinuri ko siya ng tingin. Sa pagkakaalam ko, pumunta nang Maynila si Pat. Kung siya man 'to, isa lang ang alam kong nagpapatunay na siya 'yun.

“Ang umbok ng harapan mo. Hindi ikaw si Pat.”

Lumaki ang butas ng ilong niya at umirap. Pagkatapos ay parang kinalkal yung likuran niya. Maya-maya pa'y hinugot niya mula sa kanyang kilikili ang bra niyang kulay itim. Nawala ang umbok sa kanyang harapan at nag deflate yung dibdib niya. Parang naflat-tan lang.

Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga!

“Ikaw nga! Ikaw nga si Pat!!!” Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now