Chapter Four

7.3K 204 30
                                    

Marie

“Hoy mga kuto!!! Gumising na kayo! Aba-aba, kayo na nga yung nakikitira tapos ang tamad tamad ninyo? Hay naku, 'wag ako!” bulyaw ko sa isang baboy, flat na gulong, at panget na dyosa dito sa kwarto ko.

“Tumahimik ka pandak,” rinig kong sagot ni Pat with ungol. Kadiri puta.

“Ay grabe siya oh. Dalhin kita sa vulcanizing eh. Sige na!! Tayo tayo!!”

Pumalakpak ako ng tatlong beses at agad silang tumayo. Pupungay-pungay pa ang mata ni Fanny. Etong baboy na 'to.

After 30 minutes of churva ekek lavushi kamekame wave, nagpaalam na kami kay Nanay at naglakad papunta sa Mall.

Dito natulog ang tatlong kuto, at napagdesisyunan din namin na maghahanap kami ng apartment na kung saan kakasya si Fanny, charot. Kakasya sa aming lahat. Pero didiresto muna kami sa mall.

“So ano na, anong gagawin natin sa mall?” tanong ni Fieath.

“Mang hoholdap,” suhestiyon ko. Gusto ko talaga malaman 'yung feeling na nangho-holdap ka.

“Mag wi-window shopping lang tayo,” suggest ni Pat.

Tumango-tango naman kaming tatlo sabay hawak sa baba. Pero agad ko silang pinigilan sa paglalakad.

“Wait lang. 'Yung window shopping ba, bibili tayo ng bintana?” pagtatanong ko. Naku-curious lang kasi ako. Like my ghad, these allergies.

“Tanong mo doon sa lalake.”

Lumingon ako sa direksyong tinuro ni Fanny.

“Hoy kuya! Pinapatanong sakin ni Fanny kung ano daw ba ang window shopping??” Lumingon sa akin yung lalake at kumunot ang noo.

“Hoy p*ta! Ikaw yung nagtatanong 'nak nang!” rinig kong angil ni Baboy.

Nag flip-hair ako sa kanya. Sabi ko naman diba, matalino ako. Huehue.

-----

Narating namin ang mall after minutes of walking. Hindi naman ako napagod kasi sanay na ako sa ganitong set-up. 'Yung maglalakad para makasave. Tsaka, walking distance lang naman talaga ang mall mula sa kinatatayuan ng bahay namin. Ewan ko na lang sa kanila.

“Wait lang, kain muna tayo,” sabi ni Fanny sabay hawak sa dibdib niya. Malalaking butil ng tubig ang lumalabas sa kanyang pisngi. Nahihingal pa ito ng kaunti.

Sabi ko na nga ba. Imbes na tubig, pagkain talaga ang uunahin niya. Kainis.

“Ayun oh, do'n tayo kumain sa kapatid mo,” tinuro ko si Jollibee. Naka smile ito habang nakapwesto sa labas ng pinto. Grabe, paano niya nakakayanang 'di gumalaw sa loob ng isang oras diyan?

“'Di kami close, 'di naman kasi siya gumagalaw,” sagot ni Fanny. Pansin ko lang ah, lumalaki na si Jollibee. Kamusta na kaya ang relationship nila nung bayot na McDo? Bakit bayot? Piste. Naka lipstick e. With wig pa ha.

May birthday kasi yung kapit bahay namin. Bata yung may birthday at McDo ang supplier. Charot. Basta ganern. So pumunta ako kahit hindi nila ako inimbita, malamang, kapitana si Mama kaya wala silang choice kundi papasukin ako.

Tapos may dumating na mga mascot at isa na doon si McDo. Well, noong una, nagustuhan ko siya kasi akala ko ate girl. Pero nung sinundan ko siyang magbihis, ay nako kaloka. Lalake pala. Nanggigil ako at sinabunutan ko si koya. Buti na lang napigilan ako ng ilang staff.

Magmula noon hindi na ako pumasok sa Mang Inasal.

Una naming pinuntahan yung dresses part ng mall. Ano ba tawag do'n? Boutik? Boutique? Puta. Basta. Ewan ko nga rin kung bakit doon, nag-suggest ako na dumiretso na lang kami sa mga bintana pero di sila nakinig. Naku naku! Nabi-bwisit na 'ko diyan sa window shopping na 'yan ah. Kung sinabi na lang nilang dress shopping, at least 'yun accepted ko pa. Kagigil.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now