Chapter Nineteen

2.8K 109 23
                                    

Marie

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap.

"Thank God you're here."

Parang minagic at nawala lahat ng hate ko sa kanya. Paano ba naman kasi, nakasiksik ang ulo niya sa may leeg ko kaya may pagkakataon akong kagatin, singhutin ang mabango niyang leeg. Ahihihi. Galing talaga. ≥3≤

Bleh! Iba kapag wala kang suot-suot na panty. Hihi.

Bumitaw siya ng yakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Umalis na tayo rito. Baka bumalik siya."

Hinila niya yung kamay ko at agad kaming pumunta sa rooftop. Yung rooftop kung saan una kaming nag kwentuhan. Yung 'siya' ba na tinutukoy niya ay ako? Waaah! Galing ko talagang mag-acting. Akala niya siguro totoong multo 'yun. Eh ako naman talaga 'yon. Kaya ako hindi agad nakatayo dahil sumakit yung likuran ko kanina matapos makasandal sa pintuan na bukas pala. At kaya ako nanlamig kasi akala ko ay alam niyang ako 'yon. Gets? Ay ewan, basta intindihin mo. ( ̄3 ̄)

"Aminin mo na, takot ka sa multo." pag-iiba ko ng topic matapos kaming makarating sa rooftop. This time sinigurado na naming nakabukas ang pinto. Nilagyan ba naman niya ng malaking bato eh.

"Tss. 'Wag mong sasabihin sa iba. Malilintikan ka sakin."

"Woah! Akalain mo 'yon?! Ang aangas-angas na Mauricio Hernan takot sa multo?!"

"Isa pang sigaw ng pangalan ko makakatikim ka talaga."

Inirapan ko siya. Patitikimin niya ako? Charot lungs. Hahah.

Binalot kami ng katahimikan. Maski ako, walang maisip na topic.

"Uhmm, s-sorry nga pala sa nasabi ko sayo last day." nabigla ako at nilingon siya. Sorry?

"Di. Okay lang. Panget naman talaga ako."

"No, actually..Y-you're cute."

Ihhhh!!!! Enebe!!!! (灬♥ω♥灬)

"'Wag mo kong bolahin." 'wag kang titili Marie! 'Wag!!! Pigilan mo!

"Bahala ka na nga. Basta! Nag-sorry na ako!" bigla siyang tumayo at naglakad palabas.

"Hoy!! Ikaw pa tong nagso-sorry ikaw pa galit!! Bahala ka rin!! Sana may makita kang multo!"

Tila ba effective yung banta ko at awtomatikong napatigil siya sa paglalakad at patakbong bumalik sa kinaroroonan ko sabay hatak sakin. Mahilig siyang manghatak.

Iba talaga kapag ang lalake takot sa multo. Hahaha!

Nakarating kami sa parking lot habang hawak-hawak niya parin ang kamay ko. "Saan ba tayo pupunta?" asik ko habang pinipilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. My god, kenekeleg kese eke.

"Tsaka bitaw na asungot!"

"Yoko nga. Baka iwanan mo ko dito. Pupunta tayong Tom's World."

Tom's World!!! (♡˙︶˙♡) Tsaka, baka raw iwanan niya ako rito. Hihi. Ang haba na ng buhok ko!

"Sige ba!"

Agad akong sumakay sa mamahalin niyang kotse. Sumunod rin naman siya at sumakay na din. Pero bago niya pinaandar ang kotse ay tumingin siya sa akin. Shet.

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" nagitla ako ng makitang lumalapit siya sa akin kaya napaatras ako. Anong gagawin niya?!

Napapikit ako ng makita ang mukha niyang isang inch na lang ng layo mula sa mukha ko. Isang maling galaw ko lang ay pwede ko na siyang mahalikan, este pwede na niya akong mahalikan. Syempre! Nasa kanya parin dapat ang first move!

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now