Chapter Thirty Eight

2.4K 76 19
                                    

Marie

Ilang segundo na ang nalipas matapos nilang tanggalin ang pagkakatali ng gown na suot ko ay wala parin akong naramdamang kakaiba. Pawala na rin ang sakit ng tiyan ko na dahil sa pagsuntok sa akin kanina. 'Pag ako nakalabas dito, lagot kayo sa aking tatlo.

"Ano, tuloy ba natin sis?" tanong nung isang lalaki na malaki ang katawan.

Omygash. Sis?

"Ay mamsh, gusto ko lang yung gowness niya," sagot naman nung isa.

"Pero baka pagalitan tayo ni Boss," untag ng isa pa.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at agad silang tinanong. "Mga bakla kayo?!"

"OMG/AY TITI/KABAYO!" sabay nilang sabi. Bakla nga.

"Mga bakla nga kayo! Baklaaaa—" hindi ko natapos ang pagsasalita nang biglang tinakpan ng isa ang bibig ko.

"Sshh sis 'wag kang maingay please. Papatayin kami ni Boss 'pag nalaman niyang sirena kami!"

Marahas kong tinanggal ang pagkakatakip nila sa bibig ko, "Pero ba't may pasuntok-suntok at bugbog effect pa kayo mga bakla?! Ang sakit no'n!"

"Sorry na baks. Nakatingin kasi si Boss eh. Mahirap tumanggi."

"Sige, papatawarin ko kayo. Basta tulungan niyo akong makatakas dito."

Nagtinginan pa muna silang tatlo. Jusko. Kailangan kong makatakas dito bago pa mangyari ang inaasahan ko. Paniguradong hinahanap na ako nila ngayon at once na malaman nila kung nasaan ako, susugod sila at boom. May mga mawawala na naman. Ayoko ng gano'n.

"Sige sis. Agree na kaming tulungan ka. Tagal tagal na din kaming nagtatrabaho sa kanya pero wala naman kaming nakukuha. Mamayang 10, aalis 'yan. Doon tayo lalabas," paliwanag nung isa na mahaba ang buhok.

"Salamat mga baks."

"Pero bago 'yan ay kailangan niya munang marinig na nire-rape ka namin," sabi ng isa na ikinangiwi naming tatlo.

"My gosh. I really hate this. Okay sana kung fafable ang kinuha ni Boss."

Psh. Choosy pa 'tong mga 'to, amp.

"A-AH TULUNGAN NIYO KO! PLEASE AYOKO NA!!"

"PRE, TIRHAN MO NAMAN KAMI PAGKATAPOS MO." Pilit na lang naming tinago ang pagtawa sa ginagawa naming kalokohan ngayon.

Mga baklang two.

***

3rd Person

Palihim na pinark ni Calixto at gamit na sasakyan habang tinatanaw mula sa madilim na espasyong 'yon ang pagdala ng mga tao kay Marie sa isang abandunadong building. Nakita niya ang ginawang pagkidnap sa dalaga at sa imbis na tumawag agad ng pulis ay naisipan niyang sundan ito kung saan man nila dadalhin. At hindi nga nagkamali ang kanyang plano. Agad niyang natukoy kung nasaan dinala si Marie.

He fished his phone on his pocket and immediately dialed Caliyah's number.

"Caliyah?! Ikaw ba 'to? Nasaan kayo? Ayos ka lang ba?!"

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon