Chapter Ten

4.7K 179 30
                                    

Marie

"Sinasabayan mo ba ako?"

"Hindi, assuming ka lang."

"Hindi eh. Bakit ka sumusunod sa akin?"

"Kasi palabas ako? Hoy babae! Akin ang building na 'to kaya wala kang paki-alam kung anong gagawin ko!"

"Hoy lalaki!!! Kung gagawin mo ulit 'yon siguraduhin mong naka-lock ang pinto!!! Bwisit!"

Inunahan ko siya sa paglalakad at nagmadaling lumabas ng building. Asungot, ang sarap gupitin ng gunting yung manoy niya! Grrr.

Dumiretso ako sa Jollibee para kumain. Alangan naman maligo. Try mo. Pagpasok ko doon ay bumungad sa akin ang almost occupied seats. Halos mag-on ang kumakain ngayon sa Jollibee. Asan na yung mga pamilya? Huhuh! May ibang nagsusubuan, yung iba naman nagsasalo sa isang spaghetti at burger. Shet. Gusto kong lumabas pero wala akong choice kasi nagugutom na talaga ako. Hindi ko napansin ang oras at malapit na palang mag 1. Dumiretso ako sa pinakadulo. Ang nag-iisang pares ng mesa at upuan na walang nakaupo. Pang-couple din siya. Sana lang may dumating na gwapo. Hihi.

Ay. Hindi pa pala ako nag-oorder. Tumayo ako at iniwan ang bag sa upuan sabay punta sa counter.

"Hi Ma'am Welcome to Jollibee! What is your order?" bati ni Ateng sa akin. Naka-make up siya ng heavy, konti na lang pwede nang maging model ng Mcdo si Ateng. Hahaha.

"C1." kinuha naman niya ang perang inabot ko at ibinalik ang sukli.

Hay. Sana talaga may gwapo akon—

Oh shit!!!! Bes!!! Waaaaaahhhhhhh!!!! May poging nakatayo sa inupuan ko kanina, at... At parang hinahanap niya kung sino ang nakaupo doon. Shet. (灬♥ω♥灬) Ang gwapo!! Brown hair, magandang ilong, mapupungay na mga mata, at kissable lips! Eng sherep heleken bes. Ite-take out ko 'to!!!! Ugh.

Bigla na lamang natigil ang mundo pagkakita niya sa akin. Pati mga trabahador sa labas ng Jollibee ay tumigil sa ginagawa at tumingin sa event na maaaring mangyari ngayon. Tumitig din ako sa kanya.

*dug dug dug* times 2

Nang nakalapit na ako sa kanya, bigla siyang nangamot ng batok. Mas lalo siyang naging hot!!! (♥ω♥*)

"Ah, miss, may nakaupo ba dito?"

Shet. Pati boses, pang kama!

*insert Careless Whisper*

Pabebe akong tumugon sa kanya. This is it Marie! Magkakalove-life ka na!

"Ah eh, w-wala po. Beket?"

Hindi siya sumagot. Bagkus ay kinuha niya yung upuan at dinala doon sa isang mesa na kung saan may nag-aantay na magandang babae.

Okay lang ako. (╥_╥)

Padabog akong umupo sa natirang upuan at halumbabang nakatingin sa labas. Palagi na lang akong nag-eexpect. Huhuh. Bakit ba kasi ang daming paasa? Pwede namang kinuha na lang ni Kyah pogi yung upuan without my permission, ano 'yun? Talagang pinapamukha sakin na single ako forever? Sarap patayin nung babae.

Pero somehow, tama rin naman si Kuya eh. Sakto lang na nanghingi siya ng permiso bago kinuha yung upuan. What if may nakaupo doon, diba? Pero kahit na! T_T Masakit pa rin sa heart. Ajuju...

"Here's your order Ma'am." napatingala ako ng inilagay ng waiter ang pagkaing in-order ko. Pati waiter, gwapo rin.... Kung puwede ko lang sana siyang i-take out.

Nakangiti pa sakin si Koyang Waiter. "May iba pa po ba kayong kailangan Ma'am?"

"Ikaw" pero syempre di ko 'yun sinabi. Baka mag-expect na naman ako ng malaki at maipapamukha na naman sa akin ni reality na forever akong hopeless romantic. Pati yata si Destiny ay inaayawan ako. Except kay Final Destination na palagi akong sinusundan. Kaloka.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now