Chapter Twenty

2.8K 110 5
                                    

Shocks. Mixxiey, jusko, anong ginawa mo? Hahaha. Dahil pinuno mo notif ko, ide-dedicate ko sayo 'tong Chapter na 'to. Pakasaya? 😂😂

Marie

Mabilis na lumipas ang mga araw at Sabado na. Araw kung saan pupunta ako kina Mauricio dahil narin sa sabi ng Tatay niya. Eto, nakahiga parin ako sa malaki naming kama kasama ang tatlong bugok na itlog. Naka-almusal na kaming lahat at wala namang gagawin kaya bumalik na lang kami sa pagkakahiga. Lakas rin ng trip namin 'no?

Tsaka, hindi na siguro ako pupunta kina Asungot. Una, hindi ko alam ang papunta sa kanila. Aba aba, nung sinuntok ako ng kapatid niya at hinatid niya ako rito ay hindi ko matandaan ang daan dahil gabi na 'yon. Ano ako may night vision? Tss. Pero, thankful parin ako sa kanya dahil sa nangyari noong huwebes. Yung pagbili at pagbigay niya sa akin ng costume na talaga namang nakakakilig. Hihi. Try niyo kasing di magsuot, baka sakaling swertehin kayo.

Ay wait lang, yung cellophane na pinapabigay ng tatay ni asungot!!

Dali-dali akong tumayo at agad na hinanap ang cellophane na 'yon sa mga gamit ko. Busy ang tatlo sa kaka-surf. Or should I say, kakanood ng A Love so Beautiful. Ep 23 na sila. Tapos na ko diyan eh.

Asan ka na? Yuhoo? Magpakita ka!

Pagbukas ko sa isa sa mga drawer ay nakita ko na ang hinahanap ko. Gotcha! Agad ko itong binuksan at tiningnan ang nakapaloob na mahalagang bagay dito. Baka yung gem stone sa Jumanji. Charot lungs.

Isang bluetooth headset, itim na pares ng damit na pang bodyguard, tas may maliit na pouch na hindi ko alam ang laman!!

Ano 'to? Sineryoso ba talaga ng ama niya na maging bodyguard ako? Babae ako for heaven's sake! Magmumukha akong agent nito!

Buti na lang talaga at focus sa panonood ang tatlo kaya di nila alam kung anong hinahalungkat ko rito.

Tss. Sana lang talaga may malaking bayad 'to.

*ding dong*

"Marie, may tao. Buksan mo kung sino." sabi ni Fanny. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa labas. Mahirap na baka daganan ako nang balyenang 'yon. Katapusan na ng dyosa sa mundo kapag nawala ako. Yung mga hindi nagsusuot ng panty ang tunay na maganda. Right? Huehue.

Binuksan ko ang gate at nabigla ako sa nakita kong taong nagdoorbell kanina.

"Mauricio? A-anong ginagawa mo rito?" shet. Bakit nauutal ako? Geez. Iba talaga ang epekto niya sa akin. >_<

Nakasuot siya ng navy blue na polo shirt, tapos di naka button ang ibabaw na pinapakita ang magandang pagkakahulma ng dibdib niya. Pinaresan ng itim na jeans at converse shoes na kulay itim. May suot-suot pa siyang aviators. Shet. Hot!!

Feeling ko naiinitan ako. Gosh. Magpigil ka sa kalandian mo Marie.

Tila ba nagslow motion ang pagtanggal niya ng aviators habang nakasandal siya sa sasakyan niyang kulay itim.

"You're late." nakatingin siya sa akin ng malalim. Parang hinahalukay ang kaloob-looban ko sa paraan ng pagtitig niya. Kumbaga titig pa lang nakahubad ka na. De joke. Hihi.

"Late? Saan?" breath in, breath out Marie. Abot sa kinatatayuan ko ang amoy niyang chocolate. Axe yata ang perfume na ginagamit. Ang bango shet.

"Sa pinapasabi ni Dad. Kanina ka pa siya nag-aantay. Wala ka bang balak na pumunta?"

"W-wala. Tsaka di ko alam kung paano pumunta sa inyo no. Tss." iniwas ko ang tingin sa kanya. Gosh, sobra-sobrang eye contact na 'yon!

"Kaya nga ako pumunta rito. Magbihis ka na. Dalhin mo yung mga gamit na binigay ni Dad."

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now